HINDI agad nakakibo si Orion. Ilang saglit ang lumipas bago ko narinig ang marahang buntung-hininga niya. "I'm sorry." Natigilan ako. Tiningnan ko si Orion at hinintay ang magiging paliwanag niya, pero hindi na niya sinundan pa ang paghingi ng sorry. Ang inaasahan ko pa naman ay lilinawin niya kung ano ba talaga sila ngayon ni Jerica. Siya mismo ang nagsabi na ex-girlfriend na niya ang babae, pero bakit sila naghalikan kahapon? "Let's forget whatever happened today," wika ni Orion pagkatapos ng ilang sandali. "We're both tired. Mabuti pa siguro umuwi na tayo. Magbibilin lang ako ng ilang bagay kay Michelle. Sa bahay na tayo kumain ng gusto mo." Tumango ako. Iniwan nga ako sandali ni Orion para tawagan ang secretary niya at pagkatapos nilang mag-usap ay niyaya na niya ako palabas. B

