Kabanata 35

1491 Words

"WHERE are you?" Halata sa boses ko ang matinding paghingal. Bukod sa halos pakikipagkarera ko kanina sa kalsada, umaapaw rin ang galit ko dahil hindi ko inabutan si Drei sa bahay nito. Ang sabi ng kasambahay ay hindi pa raw umuuwi. "Bakit hindi mo sinabi na nakabalik ka na pala?" patuloy ko "Ano, 'Ma? Nasa bahay ka ba ngayon? Kasama mo ba ang lalake mo r'yan?! Don't tell me na hinahayaan mong babuyin ng lalakeng 'yan ang pamamahay n'yo ni Papa?!" "Orion, can you speak normally? Ano bang sinasabi mo at bakit mo tinatanong kung nasa'n ako?" "I saw the video, 'Ma!" Hindi ko na napigilang sumigaw sa nasa kabilang linya. Parang sasabog ang didbib ko. Ang balak ko kanina nang umalis ako ng bahay ay uminom lang ng kaunti habang pinag-iisipan ang mga gagawin. Masyadong maraming nangyari nito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD