"I'M really sorry, Attorney, but I have to cancel our meeting. My daughter needs me right now. I'll just call you later." Pagkababa ng cellphone ay dali-dali ko nang isinukbit ang bag ko at dire-diretsong lumabas ng opisina. Iyon ang araw na parating pa lang si Maricar mula sa Maynila kaya kina Garrie na lang ako nagpaalam bago tuluyang umalis at sumakay ng kotse. Nagmaneho ako patungo sa bahay ni Uncle Rei dahil naroon pa sina Audrey at Teresa. Kaaalis lang daw ni Orion nang biglang dumaing si Audrey ng p*******t ng tiyan. Sinabi ko kay Uncle Rei na dalhin na sa emergency si Audrey para roon na ako didiretso pagkagaling sa office, pero tumatanggi raw ang bata at ang gusto ay umuwi ako. Puno ako ng pag-aalala habang nasa biyahe. Anong dahilan ng pagsakit ng tiyan niya? Bihira kasing ma

