IBINAGSAK ko ang susi ng kotse sa ibabaw ng mesa. Hinubad ko ang coat at inihagis naman sa sandalan ng sofa. Nagbuga ako ng hangin. Nagsimula akong magpalakad-lakad. Kararating ko lang sa office pagkatapos kong maihatid si Victoria sa school. Hindi pa ako nagsisimula sa trabaho sa umagang iyon, pero pakiramdam ko ay patapos na ang araw. Naupo ako maya-maya. Naiinis pa rin ako kapag naaalala ang nangyari bago kami umalis ng bahay. Hindi ako sinagot ni Victoria. Idinaan niya ako sa pananahimik pagkatapos ko siyang tanungin kung gusto niya akong makasiping mamayang gabi. Sa unang pagkakataon, nagtanong ako sa babae kung gusto niya akong makatabi sa pagtulog at sa kamalasan ay hindi pa ako nakakuha ng sagot. And for Pete’s sake that woman was my wife! Asawa niya ako kaya dapat nga ay hindi

