Chapter 54 3rd Person's POV; "Asan sina Zian at Stacey wala sa kwarto?" Nag aalalang tanong ni Khianne matapos bumaba at makita sina Wendy at Jessa na nasa glasswall at may tinitingnan sa labas. "Ayun sila." Nakangiting sambit ni Wendy bago ituro yung dalawang tao sa labas. Nang lumapit dun ang dalaga hindi nito maiwasang mapangiti ng makita ang dalawa sa garden. Buhat ni Zian si Stacey habang nasa harap ng fountain at hinahawakan ang kamay ni Stacey para laruin ang mga isda na nandun. "Lamig noh? Binili yan ni papa last week akala ko nga iuulam eh alaga pala." Banat ni Zian na kinatawa ng dalaga. "Gago ka talaga ang gaganda nito tapos gagawin mo lang ulam." Sagot ni Stacey na kinanguso ng binata. "Akala ko nga lang eh pero wifey pwede ko bawasan ng is---." "Tumahimik ka Zian lima

