Chapter 39 3rd Person's POV; "Yung aura at presensya niya hindi ko man lang talaga maramdaman." Nakakunot ang noong komento ng isa sa apat na taong kasalukuyang nakatayo sa hindi sa kalayuan sa gate ng mansyon. "Dragon catch!" "Hindi ko maintindihan bakit gusto siya ipapatay ng mga Jones. Wala naman sa mukha niya ang mga katangian na dapat katakutan." Dagdag ng isa pa. "Nanalaytay sakanya ang dugo ng isang Assasin at isang gangster king sapat na sigurong dahilan yun para katakutan siya. Lalo na isa pa siyang ... lalaki." Sagot ng babaeng nasa pinakaunahan ng tatlo at walang emosyong nakatingin sa binatang kasalukuyang nakikipag habulan sa mga kalaro. Tahimik na pinagmamasdan ng apat na tao ang binata ng mapatingin sila sa pinaka veranda ng mansyon at makita si Stacey na nakatayo dun

