Chapter 37 3rd Person's POV; "Whooooo!!!" Sigaw ni Zian habang nakaupo sa loob ng pushcart at tulak tulak nina Oliver at Jasper na tawa ng tawa. "=_=. Buti na lang Terrance naisipan mong ipasara itong store para saatin iwas kahihiyan." Komento ni Drake habang nakatingin sa tatlong tao na tuwang tuwa na pinaglalaruan ang isang pushcart habang umiikot ikot sa paligod ng store. "Ayoko lang makuhanan ulit tayo o may magreklamo nanaman saatin dahil sa leader nating ang hilig sumakay sa pushcart." Pokerface na sagot ni Terrance habang nakatayo sa pinaka entrance ng store na nakasara. "Hmm teka ano ba itong napkin?" Tanong ni Hans na may hawak na list. "Hindi ba yan table napkin?" Tanong ni Jared. "With wings? Table napkin with wings?" Ulit ni Hans na kinangiwi ni Jared. "Ibang napkin ya

