Chapter 47: Who Took Her? Nag-extend pa kami ni Kevin ng isang Linggo sa bahay ng kanyang mga magulang. Honestly, sa kaloob-looban ko ay nais kong dito na lang tumira. Lahat ng pangarap ko ay nawala at nagbago sa mabuting paraan. Kung noon, gusto kong maging ganito at ganyan. Pero nang i-extend pa namin ang pags-stay, ay parang nais kong maging housewife na lang at aalagan si Kevin. Sa loob ng isang Linggong ‘yun ay mas lalo naming nakilala ang isa’t-isa ni Kevin. At ngayong araw na ‘to ay ang panghuling araw namin sa bahay ng mga magulang niya. Dahil bukas, balik kami sa realidad na kailangan naming magpaliwanag sa dean ng aming paaralan. Dahil, dalawang Linggo kaming wala sa paaralan. “Boss madam, panoorin mo ako. Magsisibak ako ng kahoy. Anong gusto mo, shirtless ako or fully na