Chapter 99: New Lover? Nagising ako na parang mabibiyak ang aking ulo sa sakit. Mahia akong napadaing habang hawak-hawak ko ang aking sentido. “Aray!” malakas kong daing sa sakit. Ito pa la siguro ang tinatawag na hangover. Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga. Pero napakabigat ng aking ulo at umiikot ang aking mundo. In the end, nabagsak akong muli sa kama. Napatakip ako sa aking bibig nang maramdaman ko ang pag-akyat sa aking lalamunan ng ininom kong wine kagabi. Naduwal ako panandalian. I suppressed the feeling of vomiting, because I know the mess it would create. Nang hindi ko na mapigilan pa at alam kong bubulwak na ang aking suka ay sinikap kong makapunta sa banyo sa pamamagitan ng pag gapang sa sahig. Napatawag ako sa uwak sa pag gising ko sa umaga. A