Chapter 29: Selosong Nerdy na Futrure Husband? “Uy, Kevin?” sabay kalabit ko sa kanyang balikat. Alas sinco pa lang ng umaga at hindi pa sumisikat ang araw. May kadiliman pa sa labas at sobrang tahimik. Tulog pa yata halos lahat ng kaklase namin at pati na rin mga profs. Nasa loob pa rin kami ng tent na tinayo ni Kevin kahapon. Pareho kaming nakasalukbong sa kaniya-kaniyang kumot. Nakaharap ang kanyang likod sa akin. Napakamot ako sa aking ulo at napaupo. Kagabi pa siya naging malamig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko para umakto siya ng ganyan. Pinagmasdan ko ang kanyang kabuuan. Tumataas-baba ang kanyang balikat dahil sa kanyang paghinga. Alam kong gising siya pero hindi niya ako pinapansin. Magpapasama sana ako para umihi. Hindi sa kakahuyan kundi sa mismong banyo