Chapter 72: A Trip To Memory Lane; The Day Her Life Crumbled “Open the door, Victoria, please?” sabay malakas niyang katok sa front door ko. Inumaga na’t lahat, nakahilata pa rin ako sa kama at nalulunod sa aking sariling luha. I could feel my eyes getting swollen from crying. I should have know it from the very beginning. Dapat natuto na ako nung una ko siyang nahuli na niloloko ako. But then, ang isa ay naging dalawa hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong niloko. At kung ilang beses ko din siyang pinatawad. It was a tough decision that I made last night. Masakit but satisfying. I felt relieved when I threw his clothes sa labas kagabi. Natawa ako sa kalagitnaan ng aking pagluha. Bakit ba ako nagpakatanga? Bakit ba ako pumayag na lokohin at gam