Chapter 20: Anong Ginagawa Mo Rito!? Limang minuto na lang at tapos na ang klase namin para ngayong araw. Sumulyap ako salabas ng bintana ng aming klasroom. Nagkalat na ang mga estudyante sa labas habang nakikipagkwentuhan sa kanilang kapwa mag-aaral. ‘yung iba naman ay naglalakad na palabas ng campus. Ibinalik kong muli ang aking atensyon sa loob ng klase. Hindi sadyang nakuha ni Kevin ang aking atensyon at doon, napatitig ako sa kanyang banyagang mukha. Ngayon ko lang din nalaman na magkaklase pa la kami ni Kevin. Pareho kami ng kursong kinuha. Nagkakilanlan din kami kanina at nag-open siya sa mga pangarap niya sa buhay. Gusto niya raw maging chef sa barko. Same din kami ng gustong maging. Ang pinaka rason ni Kevin kung bakit niya gustong maging chef sa barko dahil malaki ang p