May espesyal na appointment si Pretzel ngayon kaya naman nagbihis siya ng maayos at sinuot ang isa sa mga bulaklaking bestida na bili ng kanyang ina na matagal nang nasa kanyang aparador. Nasa loob pa ito ng plastik at plantsado pa rin, medyo may amoy na sa tagal na pagkakastock sa loob. Pinaliguan niya na lamang ng pabango at pinagpag upang mabawasan ang tapang ng amoy. Pinaresan niya ng wedge na sandalyas ang bestida na kulay skin tone. Above the knee ang bestida at kita ang mapuputing pares ng hita niya at dahil medyo mataas ang wedge na suot ay mas lalong nagmukhang mahaba ang kanyang mha biyas at dahil hindi niya pa rin mahanap ang paboritong hikaw at pinakasimple sa lahat ng kanyang mga hikaw ay pinagtiyagaan niya na lamang ang isang pares ng dangling na may magkaibang disenyo. Ang