Kabanata 67

2350 Words

Nagpaalam na si Pretzel upang umuwi at mag-aalas onse na rin naman ng gabi. Gusto na rin kasi niya mahiga at matulog dahil nakakapagod ang buong araw na iyon, napakaraming mga nangyari. May dumating pang asungot, may kaunting bakbakan pang naganap, sa isip-isip niya. Paglabas niya ng pinto ng bahay ay malamig na hangin agad mula sa dalampasigan ang sunalubong sa kanyang. Maingay ang mga alon na humahampas sa dalampasigan. Maliwanag ang kalangitan, kahit hindi bilog na bilog ang buwan. Napakaraming mga bituin na nagsisikinangan. Napangiti siya sa dami ng mga bituin na para bang kay lapit lang nila ay kay daling abutin. Binagalan niya ang paghakbang upang pagmasdan ang tanawin habang nililipad ng malakas na hangin ang buhok niyang mahaba na nakalugay. Mas lalo niya pang binagalan ang pagha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD