"Hello po ulit sa inyo!" Bati ni Felicity sa mga taong nasa loob ng silid na Pretzel na kanilang basta na lang iniwan kanina dahil kinausap niya muna sa labas ang kanyang kuya upang alamin muna ng personal sa kanya ang dahilan kung bakit siya naroon. Kanina pa sila naghihintay sa muli nilang pagpasok sa loob ng silid, ang mga iniwan nilang tao kanina'y tulala na lamang at nagtatanong ang mga mata dahil wala silang ideya sa mga nangyayari. Sa muling pagpasok ni Felicity sa loob ng silid ay mag-isa na lang siya. Nasa labas pa si Felix, buong akala niya'y nakasunod na ito kanina. Kinailangan niya pang balikan ito at tawagin para lang samahan siya ngunit sa pagkakataong iyon ay may isa pa silang kasama. Dumating ang kanilang bigating back-up. Ang kanilang mahal na ina na agad napasugod roon