Araw ng Linggo, ngunit nagbukas ng kanyang klinika si doktora para lang kay Pretzel. Nang makita niya kasi ito sa ospital nang itakbo nila ito'y napansin niya ang mga senyales na mapapaaga ito sa panganganak. Mas maaga pa sa tantiya niya. Maaga siyang dumating upang hintayin sila. Hindi na niya pinapunta pa ang kanyang sekretarya't assitant na nars sa loob. Maaga ring dumating sina Felix at Pretzel. Kinamusta agad ni Doktora kung nakatulog ba siya nang maayos kagabi at kung may naramdaman ulit siyang paghilab. "Wala naman na po, kaunti na lang po pero hindi naman na po masakit. Kapag sumisipa lang po siya. Mas malakas na po sipa niya ngayon lalo na po kanina paggising ko bago kami nag-almusal." Sagot niya at natuwa naman ang doktora. Baka raw niremind lang ni baby na kumain na siya at na