"Okay ka lang ba anak?" Malumanay na tanong ng ina ni Pretzel sa anak na di na mabilang ang magbuntung-hininga sa bawat minutong dumaraan. "Okay lang po ako. Kinakabahan lang po." Aniya kahit mukhang aatakihin na siya sa puso sa kaba. "Normal lang 'yan hija. Para sa akin wala ka naman dapat ikabahala dahil napakaganda mo ngayon. Tiyak akong mahuhulog nanaman ang puso ng anak ko sa iyo sa pang-isang libong pagkakataon." Masayang biro ng ina ni Felix. "Naku balae. Pang-isang libo talaga?" Di makapaniwalang usisa ng ina ni Pretzel. "Oo haha." Tawa niya. "Baka ng lagpas pa. Magiging milyon na." Dagdag ng Ginang at nagsitawanan sila. Si Pretzel lang ang hindi natawa. Hindi naman kasi kapanipaniwala ang ganoong kalaking bilang. Wala namang na iinlab sa tao nang ganoon karaming beses pero ew
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books