Araw na ng Sabado, tumawag kay Pretzel si Felicity gabi ng Huwebes upang yayain itong magpa-spa, ngunit hindi siya pwede sa araw na iyon ay nag-pass muna siya dahil nagkapagplano na siyang pumunta sa ospital at i-spend muli ang kanyang weekend kasama ng ama at ina. Araw rin kasi iyon kung kailan nagdadala siya ng pamalit na damit ng kanyang mga magulang at inuuwi ang mga labahin sa kanila, bukod pa rito araw rin iyon ng pamimili niya ng kailangan nila sa bahay kaya naman wala siyang ibang pagpipilian kundi tumanggi sa alok nito. Malungkot na ibinalita iyon ni Felicity sa kanyang ina noong gabing ring tawagan niya ito. "Sayang naman." Naiwika ng Ginang dahil hindi nanaman sila magkakasarilinan ng dalaga at para na rin makilala ito. Marami pa namang araw upang makilala ang babaeng bumiha