Unang Bahagi: Kabanata 29

1096 Words
—AERAS Unti-unting bumaba mula sa alapaap ang mga ravena at ang dalawa nga sa kanila ay hawak-hawak si Gimel. Ang Kaharian ng Aeras ay isang lugar na nakalutang sa alapaap ngunit tulad ng ibang mga kaharian sa Berbaza ay tanging mga taga-Berbaza lang din ang nakakakita at nakakapunta rito. “Ibaba niyo na siya,” utos ni Helios dahilan upang dahan-dahan na ibaba si Gimel ng mga ravening may hawak sa kaniya. “Eugene, kung gusto mo akong patayin ngayon ay gawin mo na nang matapos na ‘to,” ani ni Gimel na kasalukuyang hawak pa rin ng mga ravena sa magkabilaan niyang mga kamay. “Hindi ka man lang ba mangangamusta Gimel? Halos isang taon din tayong hindi nagkita—“ “Wala akong panahon para sabayan ‘yang kalokohan mo. Unang-una pa lang talaga ay alam kong may mali na sa’yo. Ramdam ko na ang pagkukunwari mong sinungaling ka!” “Ako rin, unang-una pa lang ay alam ko nang may mali sa’yo. Hindi ikaw ang Shakir na inaasahan ko Gimel. Isa kang mahinang babaylan na umaasa lamang sa mga taong nakikinabang sa buhay mo. Ano ba namang laban mo sa akin kung sa oras pa lamang na ito ay kayang-kaya na kitang patayin?” “Hindi lang kapangyarihan ko ang nawala nang dahil sa’yo Shakir,” patuloy ni Helios. “Ikaw at ikaw lang ang maaaring makakapagbalik ng lahat sa akin kaya kunin niyo na ang lintek na kwintas na nakasuot sa kaniya!” Agaran nga siyang sinunod ng mga ravenang may hawak kay Gimel dahilan upang agad na magpumilit kumawala si Gimel ngunit huli’t huli ay wala na itong nagawa nang tuluyang naputol ang nakasabit na kwintas niya na siyang ibinato agad ng ravena patungo kay Helios. Unti-unting napangisi si Helios nang mahawakan ang anting-anting kasunod nang paglabas ng itim na ilaw mula sa kaniyang palad ay ang siyang paglutang ng anting-anting. Buntong-hiningang pumikit si Helios kasunod nang mabilisang paglipad ng anting-anting patungo sa kaniyang dib-dib. Nag-ilaw ng kulay lila ang kaniyang mata na siya rin lang napalitan ng itim pagkatapos ng ilang segundo. “Ngayon ay maaari na kitang patayin Gimel—“ “Gawin mo! Bakit ka pa nakatayo diyan ngayon ha? If you want kill me, kill me now!” “Hindi ganoon kabilis iyon Gimel dahil sa putek na sumpang iyan ni Mahalia ay hindi kita maaaring galawin ngayon. At maging nga ang ibang mga ravena ay nadamay rin sa sumpang iyon ni Mahalia kaya naman,” ani ni Helios na siyang unti-unting ngumisi at ibinaling ang tingin sa kalangitan. “Kaya naman ay idinala ko ang isa sa mga kaibigan mo para gawin ang bagay na hindi ko magawa sa ngayon.” Unti-unting ibinaling ni Gimel ang tingin sa itaas kasabay ng unti-unting panlalaki ng kaniyang mga mata nang makitang hawak ngayon ng dalawang ravena si Afiya na siya ngang pababa na ngayon sa lugar na kintatayuan nila. “Anong plinaplano mo Eugene?” “Huwag kang mag-alala,” ani ng ravena na muli’t muling nginisian ang binata. “Dahil magsisimula na tayo Shakir.” Mabilisang lumabas ang itim na pak-pak ni Helios sa likuran kasabay ng mabilisan niyang paglipad at pagkuha kay Afiya. “Helios, bitawan mo ako!” bulalas ni Afiya nang makababa na sila sa harapan ni Gimel habang nakatutok ngayon ang isang maliit na kutsilyo na hawak-hawak ni Helios malapit sa kaniyang leeg. At hindi nga nito magawang makagalaw dahil sa pagkakagapos sa kaniya ng mga ravening kumuha sa kaniya. “Tumahimik ka kung ayaw mong gilitin ko itong leeg mo,” ani ni Helios kasabay nang pagdikit ng dulo ng kutsilyo sa leeg ni Afiya. “Eugene, hindi ba sinabi kong huwag mo na silang idamay dito?!” “At bakit naman kita susundin?!” bulalas ni Helios na siya ngang diretsong tumingin sa mga mata ni Afiya. “Kailanman ay hindi sumusunod ang mga ravena sa isang babaylan na tulad mo,” ani ni Helios. “Bagkus kami ang dapat sinusunod niyo.” Unti-unting lumabas ang isang pamilyar na huni mula kay Helios na siyang sinundan pa ng ibang mga ravena dahilan upang kunot-noong mapatingin sa kanila si Gimel. “Paano bumalik ang iyong kapangyarihan Helios?” nanlalaking mga matang tanong ni Afiya na kalaunan ay nabaling ang tingin sa suot na anting-anting nito. “H—hindi, Helios itigil mo na ito—“ Huli’t huli ay hindi na tuluyan pang naituloy ni Afiya ang kaniyang sasabihin nang tuluyan na ngang nakontrol ni Helios ang kaniyang isipan. “Nais kong ihayag mo ang buong katotohanan sa babaylang ito. Na hindi lamang ako ang siyang nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang niya. Ihayag mo ang buong katotohanan Afiya!” Unti-unting tumango si Afiya na tila wala sa katinuan at ibinaling nga ngayon ang tingin kay Gimel. “Patawarin mo ako Gimel kung hindi ko nasabi sa’yo ang totoong pakay ko kung bakit kita prinoprotektahan at tinutulungan.” “A—afiya, anong ibig mong sabihin?” “Ako ang may kasalanan ng lahat-lahat Gimel, patawarin mo ako,” sagot ng Amatista ng Nero kasabay ng unti-unting pagpatak ng mga luha mula sa kaniyang mga mata. “Ang tagapangalaga ng pag-ibig lamang ang pinatay ni Helios nang araw na iyon at ako ang siyang pumatay sa iyong amang si Alec. Kaya kita tinutulungan ay dahil nagsisisi ako at naaawa sa iyong kalagayan nang dahil sa aking pagkakamaling nagawa.” Natigilang tuluyan si Gimel at halos manghina nga tuhod at manlaki ang mga mata nang dahil sa kaniyang mga narinig mula kay Afiya. “H—hindi, hindi iyan totoo Afiya—“ “P—patawad Gimel,” pakli ni Afiya kasabay ng paggamit niya ng kaniyang kapangyarihan upang ipakita kay Gimel ang buong pangyayari nang araw na namatay ang kaniyang mga magulang sa pamamagitan ng paghulma ng mga molekula ng tubig. “Hindi!” sigaw ng binata na siyang umalingawngaw sa buong paligid kasabay ng pagtikom niya ng kaniyang mga kamao. “Ngayon Afiya, nais kong patayin mo ang babaylan,” usal ni Helios na siyang inalis ang gapos ni Afiya kasabay nang pagbitaw ng mga ravena kay Gimel. “Patayin mo ang babaylan Afiya!” bulalas ni Helios dahilan upang maging kulay asul ang mga mata ni Afiya at mabilisan ngang bumato ng kulay asul na ilaw patungo kay Gimel na siya nga niyang agad na inilagan. “M—magbabayad kayong dalawa sa ginawa niyo sa mga magulang ko,” ani ni Gimel na siyang salitang tinignan si Afiya at Helios. “Berikan saya pedang.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD