Unang Bahagi: Kabanata 24

1351 Words
—CEBU “Bitawan mo siya!” bulalas ng huling babaylan habang diretsong nakatingin sa iisang mata ng halimaw. Unti-unting natigilan si Bungisngis sa akma niyang pagsubo sa bata. Nabaling ang tingin nito kay Gimel kasunod ng kaniyang pagngisi at paglakad palapit sa binata. Agad na napahawak si Gimel sa katabi nitong poste nang yumanig nga ang buong paligid dahil sa bigat ng mga yapak ng halimaw. “Tabangi ko! (Tulungan niyo ako!)” “Gimel—“ “Afiya,” sambitla ni Abrax na siyang hinawakan ang pulso ng dalaga nang akmang tatakbo na ito sa kinatatayuan ni Gimel. “Abrax, bitawan mo ako—“ “Afiya, mag-iingat ka sa mga galaw mo.” “Ano bang sinasabi mo Abrax?” “Nandito si Helios at nanunuod siya sa hindi kalayuan. At kapwa natin alam Afiya na hindi niya maaaring malaman na tinutulungan natin ang babaylan,” sagot ni Abrax dahilan upang unti-unting mapatingin si Afiya sa direksyon kung saan nakatitig kanina si Arbax. At doon ngay nakumpirma niyang nakatayo ang isang ravena sa tuktok ng isang malaking building. “Hayaan mong si Gimel na mismo ang magligtas sa sarili niya Afiya,” ani ni Abrax dahilan upang mapasinghap na lamang si Afiya. “Pero Ginoong Abrax mas malakas ngayon ang halimaw. Kung si Ebraheem ngang isa sa mga nakahuli rito dati ay hindi nakayanang kalabanin ang halimaw ngayon at kasalukuyan ngang ginagamot ni Ginoong Mirza, si Gimel pa kaya?” nag-aalalang sambit ni Tunku. “Baka nakakalimutan niyong hindi lang isang ordinaryong babaylan si Gimel? Siya ang tagapangalaga, ibig sabihin ay nakuha niya ang kapangyarihan ng mga bampira kaya sobrang bilis niyang nakarating sa harapan ng halimaw kanina. At bukod doon ay isa rin siyang Setanga Dewa na tulad ko,” sagot ni Abrax “B—bitawan mo siyang halimaw ka!” bulalas ni Gimel na ngayon ay unti-unting bumitaw sa poste. “Hindi ka isang mortal, sino ka at anong lahi ka kabilang?” tanong ni Bungisngis. “Berhenti!” bulalas ni Gimel ngunit nagtaka siya at kumunot ang kaniyang mga noo dahil walang nangyari sa halimaw nang subukan niya itong gamitan ng engkantasyon. “Parangawa mo na, bitawan mo ang bata,” ani ni Gimel na siyang nakabaling nga ang tingin sa hawak-hawak na bata ng halimaw. Ilang saglit ay unti-unting natigilan ang halimaw at sumigaw ng pagkalakas-lakas na nagdulot ng napakalas na hangin dahilan upang ihangin palayo si Gimel pero mabuti na lamang ay may isang street light siyang nakapitan. “Ikaw ang huling babaylan,” ani ng halimaw na siyang muling naglakad papunta kay Gimel. “Ikaw ay dapat mamatay na upang pigilan ang nakatakda.” Unti-unti ngang bumagal ang takbo ng paligid ni Gimel nang biglang bitawan ng halimaw ang batang hawak niya. Agad na napabitaw si Gimel sa street light at at mabilisan ngang tumakbo sa babagsakan ng bata. Tila ba nabunutan ito ng tinik nang sakto nga niyang masala ang batang ngayon ay halos manginig sa takot. “Ayos ka lang ba?” Nanginginig ngang tumango ang bata bilang sagot ngunit halos sabay nga silang napigilan ni Gimel nang tumama ang malaking kamao ng halimaw sa kanilang dalawa dahilan upang kapwa silang tumilapon sa pagkalayo-layo at agad ngang yakapin ni Gimel ang bata nang hindi ito masaktan sa oras na bumagsak sila sa lupa. “Ang huling babaylan ay dapat na mamatay!” bulalas ng halimaw na siyang naglalakad palapit sa binagsakan nila Gimel dahilan upang muling yumanig ang buong paligid. Agad na ibinaling ni Gimel ang tingin sa kinatatayuan ngayon nila Afiya. Unti-unting napakunot ang kaniyag noo nang makita hindi siya nilalapitan ng mga ito upang tulungan. Sila na lamang ang natatangi niyang mahihingihan ngayon ng tulong upang ilayo ang bata mula sa pag-atakeng muli ng halimaw. “A—afiya!” Marahan siyang inilingan ni Afiya na siyang dahilan upang mas magtaka siya at ngayon ngay ibinaling na lamang ang kaniyang tingin kay Tunku. “Tunku tulungan mo kami!” Tanging pag-iwas sa kaniyang tingin ang natanggap niya mula sa Kibaan dahilan upang mas kumunot ang kaniyang noo at ibinaling na lamang ang tingin sa batang hawak-hawak niya ngayon at sa halimaw na halos ilang metro na lamang ang layo sa kaniya. Nang tatayo na sana siya mula sa pagkakabagsak ay natigilan siya nang mapagtantong namamanhid ngayon ang pareho niyang paa at hindi nga magawang tumayo at tumakbo palayo sa halimaw. “Afiya,” sambitla ni Abrax na siyang mas hinigpitan pa nga ang hawak sa pulso ng dalaga nang tila ba akmang kakawala ito. “Huwag,” patuloy ni Abrax na siyang ibinaling ang tingin sa kinatatayuan ngayon ni Helios. “Afiya?” Halos manlaki ang mga mata nito nang biglang natunaw ang amatista at mabilisan ngang dumaloy ang likido patungo sa gitna nila Gimel at Halimaw. “Dapat ka ng mamatay!” sigaw ng halimaw na muling nagbuga ng malakas na hangin at akma ngang tatapakan na ngayon sina Gimel ngunit isang asul na ilaw ang siyang namuntawi sa pagitan nila dahilan upang mapatakip si Gimel ng kaniyang mga mata. Napasigaw ng pagkalakas-lakas ang halimaw at napahawak sa kaniyang mata nang dahil sa nakakasilaw na ilaw. “Gimel,” sambitla ni Afiya na siyang agad hinawakan ang mga paa nito kasunod ng pagpapalabas niya ng asul na ilaw upang paghilumin ang mga ito. “Akin na ang bata Gimel,” ani ni Afiya dahilan upang ipasa sa kaniya ni Gimel ang bata na siyang akma na sana niyang gagamitan ng kapangyarihan upang paghilumin ngunit isang napakalakas na pagyanig ang siyang nagpatigil sa kanila at nanlaki ngang tuluyan ang mga mata ni Gimel nang gamitin ng halimaw ang kaniyang malaking kamay upang itilapon palayo si Afiya kasama ang bata. “Mamamatay kang babaylan ka sa mga kamay ko. At sa oras na magawa ko yaon ay magtatamo ako ng napakalaking gantimpala mula sa kaibigan kong si Helios,” ani ni Bungisngis na siyang kinuha nga si Gimel at inipit sa kaniyang napakalaking palad. “Ano gusto mong magiging sanhi ng iyong pagkamatay?” sarkastikong tanong ng halimaw na sinabayan niya ng nakakarinding pagtawa at pagngisi. “Ang durugin ko ang lamang loob mo o ang kainin kitang buo patungo sa aking tiyan?” Pilit ngang kumawala si Gimel nang dahil ngunit hindi niya magawa dahil sa panghihina ng kaniyang katawan nang mas ipitin pa siya ng halimaw. “Tutal nagugutom na ako at halos ilang taon din akong nagutom ay tila mas maganda ata ang pangalawa—ang kanin ka at durugin sa loob ng aking bunganga.” “Bitawan mo ako!” Unti-unting inilapit ng halimaw si Gimel sa kaniyang bunganga dahilan upang manlaki ang mga mata ni Gimel at kalaunan ay napapikit na lamang ng kaniyang mga mata. “I—iyora Kustara!” sigaw ni Gimel. —SIHIR Nang maramdamang tila hindi na siya gumagalaw ngayon at tila wala nang nakahawak sa kaniyang halimaw ay unti-unti niya ngayong iminulat ang kaniyang mga mata kasabay ng pagkunot ng kaniyang noo nang makitang nasa hindi pamilyar siyang lugar ngayon. Unti-unti siyang naglakad habang inililibot ang kaniyang paningin. “P—paanong—“ “S—sino ka? At paano ka nakapasok dito?” Natigilan na husto si Gimel na siyang unti-unting ibinaling ang kaniyang tingin sa kaniyang likuran dahilan upang makita niya ngayon ang isang babaeng may kulay itim na buhok at mapupungay na mga mata. Nakasuot ito ng kulay kayumangging baro at saya na gawa sa hilatsa (fiber) at may mga burdang karaniwang nakikita sa mga suot ng sinaunang tao sa Pilipinas. “S—shakir?” unti-unting sambitla ng babae habang palapit ng palapit ngayon sa kaniya dahilan upang mapaatras siya at mapakunot ng noo. “Ikaw na ba iyan Shakir?” muling katanungan ng babae habang nakangiti ngayon ng pagkalaki-laki. “S—sino po kayo? At papaano niyo nalaman ang pangalan ko?” “Anagolay,” tawag ng isang boses lalaki mula sa likuran ni Gimel. “Sino iyang kausap mo?” “A—anagolay? Kayo si Anagolay?” sunod-sunod na tanong ni Gimel na siyang marahang tinanguan ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD