—BUNDOK MAKILING
“Tunku, nasaan si Afiya?” tanong ni Gimel na siyang kakagising lang at mula sa kaniyang pagpapahinga mula sa naganap na laban sa pagitan niya at sa halimaw na si Bungisngis.
“Naparoon lamang siya sa kaharian ng Nero kaibigan upang kumuha ng lakas at bisitahin ang kaniyang mga kapatid,” sagot ng Kibaan na siyang inabutan ng mainit-init na sabaw si Gimel na may halong katas ng halamang yerba Buena.
“A—ayos lang ba siya Tunku?” tanong muli ni Gimel matapos panandaliang higupin ang sabaw
Marahang tumango at ngumiti bilang sagot si Tunku dahilan upang magpakawala ng napakalalim na hininga si Gimel kasunod nang muli niyang paghigop sa sabaw.
“Ngayon lamang ulit ako nakakita ng ganoon na kalaking laban at ganoong kalakas na paggamit ng engkantasyon,” nakangiting ani ni Tunku na siyang dahilan upang matigilan si Gimel at mapukaw sa direksyon kung saan nakatingin ngayon si Tunku. “Ngunit nang makita kong suot mo ang anting-anting ay hindi na ako nagtaka pa kung saan nanggaling ang ganoong lakas mo Gimel.”
Marahang ibinaba ngayon ni Gimel ang sabaw at kinuha ang anting-anting na siyang tumulong sa kaniya upang mapuksa ang kalaban na halimaw.
“Ang anting-anting na iyan ay natatangi at pagmamay-ari ng ama ng iyong amang si Alec na si Raja Berhane,” saad ni Tunku na siyang tinanguan ni Gimel.
“Ngunit ako ay nagtataka lamang kaibigan kung saan nanggaling ang anting-anting na iyan gayong wala ka namang suot na ganyan bago ka makipaglaban?”
“Napunta ako sa Sihir Tunku at nameet ko si Anagolay at Dumakulem—“
“S—sa Sihir? Ikaw ba ay nagbibiro kaibigan?”
Umiling ng marahan si Gimel bilang tugon. “Binanggit ko iyong katagang iyora—“
“Iyora Kustara,” patuloy ni Tunku. “Huwag mo na lamang itutuloy kaibigan dahil natitiyak na mapupunta ka lamang muli doon sa sandaling banggitin mo iyon ngunit kung ako ang babanggit ay wala lamang mangyayari dahil hindi naman ako isang Setangah Dewa na tulad mo”
“Pero maswerte kang sila ang mga naabutan mo hindi kung sino mang ibang tagapangalaga. Dahil kung mangyari ay natitiyak na hindi magdadalawang isip ang mga iyon na patayin ka upang tapusin ang nakatakdang nais nilang mapigilan.”
“Tunay nga Tunku na maswerte ako na sila ang naabutan ko. Nang makita ko sila ay para ko na ring nameet ang mga magulang ko,” ani ni Gimel na siyang hindi nga napigilan pang mapangiti sa kawalan. “Nang yakapin ako ni Anagolay ay para na rin akong niyakap ng tunay kong nanay. At para ko na ring naramdaman na may pamilya pa pala ako.”
“Gimel, bakit mo naman iisipin na wala ka ng pamilya? Napakarami pa lamang kami Gimel na prumuprotekta at itinuturing ka ng pamilya tulad ko at ni—“
“At ni sino Tunku? Eh halos lahat naman sila ay may sari-sariling motibo kung bakit sila nandito ngayon at tinutulungan ako.”
“S—si Binibining Afiya,” saad ni Tunku na siyang dahilan upang matigilan ng husto si Gimel at matigilan din nga sa pag-inom muli ng sabaw. “Wala naman akong nakikitang dahilan pa kung bakit ka niya ngayon tinutulungan bukod sa ikaw ay itinuturing na talaga niyang kaibigan tulad ng sinabi niya. At Gimel kung hindi ka non itinuturing na kaibigan o pamilya ay dapat una pa lamang kayong nagkita ay pinatay ka na niya pero hindi naman hindi ba?”
Unti-unti ngang sumibol ang ngiti sa mga labi ng binata na ngayon ay buntong-hiningan itinuloy ang pag-inom sa sabaw.
_________________________
“B—binibining Afiya, mabuti at narito ka na,” ani ni Tunku na siyang dahilan upang matigilan si Gimel sa pag-inom ng tubig matapos ng kaniyang pagsasanay kay Maginoong Mirza at kay Ebraheem.
“Patawad at ako ay nahuli Maginoong Ahmad, kinausap ko pa kasi sina Ulysses at Khaaya Amina,” bungad ng dalaga sa matanda.
“Ayos lamang iyong iha dahil kakatapos lang din ng ensayo ni Gimel kina Maginoong Mirza.”
“Kung gayon ho ay maghahanda lamang po ako saglit sa loob para sa pagsasanay,” paalam ng dalaga na siyang dire-diretso ngang nagtungo paloob sa kubo nang hindi na nga napansin pa ang akma sanang pagharang ni Gimel sa kaniya upang makausap siya.
_________________________
Natapos ang pagsasanay ni Gimel kina Afiya at Maginoong Ahmad nang hindi umiimik si Afiya at nang hindi siya nakakausap ni Gimel. Dahilan ito upang ngayon ngang nagpapahinga ang dalawa ay buntong hininga ngang lumapit si Gimel kay Afiya upang makausap ito. Ngunit tulad ng ilan niyang pagsusubok kanina ay saktong umalis si Afiya at nagtungo sa kinatatayuan ni Maginoong Ahmad bago pa man masimulan ni Gimel ang pakikipag-usap sa kaniya.
“Maginoong Ahmad, nais ko sanang magpaalam ulit para sana magtungong muli sa Nero,” ani ni Afiya na siyang dahilan upang mapakunot ng noo si Gimel.
“Muli kang magtutungo sa Nero?”
Marahan ngang tumango ang dalaga. “May naiwan lamang akong isang importanteng bagay Maginoo at nais ko sanang balikan ito.”
“Kung magtutungo ka sa Nero ay isama mo na si Gimel dahil may balak ata siyang bisitahin ang kaniyang pamilya sa Geo. Gayong dadaan ka na rin lang sa Geo ay samahan mo na sila ni Tunku.”
“P—po?” agad ngang panganglaro ng dalaga.
“Oo, mas mabuti na ‘yon upang masigurong maigi ang kaligtasan ng babaylan,” sagot ng matanda na ngayon ay ibinaling ang tingin sa kinaroroonan ni Gimel.
_________________________
“N—nasaan si Tunku? Akala ko ba ay kasama mo siya sa pagpunta sa pamilya?”
“Ang sabi niya eh sasabay na lang siya kay Ebraheem kasi kailangan pa niyang samahan si Maginoong Gyasi para maghanap ng mga halamang gamot para sa aaralin naming mga potions bukas,” sagot ni Gimel na ngayon ngay hinabol si Aifya sa mabilisan niyang paglalakad.
“Samahan? Kailangan pa ba ng kasama ni Maginoong Gyasi eh halos memorize naman na niya ata ang lahat ng kagubatan,” ani ngayon ni Afiya na siyang natigilan nga sa paglalakad nang harangan siya ni Gimel.
“T—teka pwede ba slow lang tayo sa paglalakad? May hinahabol ka ba? Bakit parang kanina ka pa nagmamadali ha?”
Buntong-hiningang napaiwas ng tingin si Afiya na kalaunan ay diretso rin lang na tinignan si Gimel.
“’Yong bus.”
“W—what?”
“Mailap lang ang bus dito Gimel kaya kailangan nating magmadali para hindi tayo maiwan ng bus na paparating,” sagot ni Afiya na siyang nagpatuloy na nga sa paglalakad at nilagpasan nang tuluyan si Gimel ngunit natigilan siya nang maramdaman ang paghawak ni Gimel sa kaniyang pulso.
“May natutunan akong new skill mula Ebraheem kanina,” ani ni Gimel pagkaharap niya rito dahilan upang mapakunot ang kaniyang noo at taasan niya ito ng kilay.
“I can use my enhance speed ability para mas mabilis tayong makarating sa Cebu,” patuloy ng binata na siyang dahilan upang buntong hiningang tignan siya ngayon ni Afiya sa mata.
“You can use that pero ako? Wala akong ganon na kapangyarihan Gimel—“
“Pwede kitang isabay and that’s the new skill na natutunan ko kay Ebraheem,” nakangiting putol ni Gimel sa kaniya kasabay ng paghila nito palapit sa dalaga dahilan upang manlaki ngayon ang mga mata ni Afiya.
Napakapit sa kawalan si Afiya sa beywang ni Gimel nang biglang gamitin nito ang kaniyang kapangyarihan upang mas mapabilis ang kaniyang pagtakbo na wala pa ngang kisap-mata ay nakarating na silang agad sa Cebu.