Chapter 16

3893 Words
Chapter 16 Ellie Pinatigas ko ang aking mukha kasabay nang pagpatak ng luha sa aking mata. Mabilis ko iyong pinunasan para hindi na lumala pa. Pakiramdam ko, kapag kinunsinti ko ang pag-iyak, bibigay ako. Sa kaunting ingay lang, sa isang hikbi lang ay maririnig kaagad iyon ng driver niya. Masyadong tahimik dito sa loob ng sasakyan na ultimong kahit paghinga ko ay naririnig niya. Alam kong paminsan-minsan akong sinusuluyap mula sa rear view mirror, kaya nagsumiksik ako sa bintana at nagtago sa likuran ng upuan niya. I tried to swallow the lump in my throat. Mahirap pa rin. hindi ko alam kung hapdi ang iindahin ko, iyong bang sa lalamunan ko o ang hapdi sa dibdib ko. But if these two pain were inevitable, I cannot do anything else but to feel it until it fades. I chastise myself. Makalipas ang ilang minuto ay nag-vibrate ang cellphone ko, from unknown number. Hindi ko sinagot iyong unang tawag. Pero hindi ko pa natatabi ang cellphone sa bulsa ko at tumawag ulit ang hindi naka-register na numero. Kumunot ang noo ko at sinagot ang tawag, “Hello?” “Hello? Mrs Ybarra?” Nakita ko ang bahagyang paglingon sa akin ng driver. Dahil nakasiksik ako sa bintana ay hindi niya siguro ako nakita. “Sino ’to?” Hindi pamilyar sa akin ang lalaking tumawag. “Ako ang Papa ni Bryan, iyong batang na-ospital matapos mabagok ang ulo sa eskwelahan.” Napaawang ang labi ko at napaayos ako ng upo, “K-kamusta po? Ah, papunta na po ako ngayon sa ospital—” “Dala mo na ba ang pera? Nandito kami ngayon ng asawa ko sa isang fastfood sa tapat lang ospital,” nasa boses pa rin niya ang pagkapormal sa pakikipag-usap at may pagkaarogante. Tumikhim ako, “Dala ko ho. ’Wag ho kayong mag-alala,” “Mabuti naman. Hintayin ka na lang namin, Misis.” Then without saying goodbyes, he ended the call. Napatingin na lang ako sa sariling telepono. Pinapark ko na lang ang sasakyan sa harap mismo ng fastfood na sinabi sa akin ng Papa ni Bryan. Bumaba ako at pumasok sa loob para hanapin ang mga magulang. I scanned the place and found them on the corner side of the fastfood chain. Malakas ang kalabog ang dibdib ko habang papalapit sa dalawang mag-asawa na walang reaksyon ang mga mukha habang nakatunghay sa akin. Napaismid pa sa akin iyong babae at inirapan ako. Habang ang asawa ay pinasadahan pa ako ng tingin. Sa mukha ng ginang ay hindi makakailang stressed na, dala siguro ng pagpupuyat sa pagbabantay ng anak. Her husband look tired too, “Magandang araw po,” bati ko. Iyon na lang ang nasabi ko dahil hindi ko malaman kung anong klaseng paunang bati ang sasambitin. Iyong babae ay inirapan lang ako at mahigpit na hinawakan ang shoulder bag sa kanyang kandunga. Tumikhim ang lalaki, “Maupo ka, Misis,” turo niya sa harapan na bakante. They both has food and drinks on their table, ang balak ko ay bilhan sila kung wala pa. Pagkasayad ng puwitan ko sa upuan ay agad na nagsalita ang babae na tila hindi na mapakali. “Kailangan na ho namin ang pera, Misis. Hindi na namin kayang bayaran ang bill sa ospital ng anak namin,” her anger was within her words. Tinaasan pa niya ako ng kilay at tila handa sa anumang sagupaan. She looks so stressed, wala pang tamang tulog. “Siguro naman ay tinawagan ka na ng teacher nila?” her husband asked. I nodded. Nagpakumbaba ako at handang tanggapin ang anumang masasakit nilang sasabihin sa akin. “Opo, dala ko na po,” nilagay ko sa ibabaw ng lamesa ang cheque. “Alam ko hong hindi ito sapat para kay Bryan. Pero sana kahit papa’no ay makatulong para gamutan, palagi po siyang nasa dasal namin.” I said but almost a whisper. Tiningnan ng lalaki ang cheque. Hindi niya iyon kinuha. Pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang dumaang kung ano sa kanyang mga mata. He almost smirk. Napalingon sa paligid ang babae at nag-iwas ng tingin sa akin. Suddenly, she looks uncomfortable but words remained hurtful, “Alam kong aksidente ang nangyari pero tandaan mo na may pananagutan kayo. Wala sana ang anak namin sa ospital kung ’di rin dahil sa anak mong bastardo, hindi kami lalapit kung kaya namin ang bayarin. Pero hindi e, habang tumatagal ay palaki ng palaki ang nagagastos sa gamot at laboratory niya. Samantalang kayo ay papetiks-petiks lang sa bahay niyo,” Siniko siya ng asawa. Marahil ay dahil tumataas ang boses nito. Napayuko na lang ako at kumuyom ang mga kamao. Kinuha ng lalaki ng cheque at tinabi sa loob ng pitaka niya, “Tatawagan ka na lang namin ’pag may kulang pa,” Napaangat ang likuran ko sa sandalan. Nagpasalit-salit ang tingin ko sa mag-asawa, “Ho? Pero wala na ho akong makukuhanan ng pera..” Doon na pinakita ng lalaki ng nililihim na ngisi. Sinarado ang pitaka at tinago sa likod ng bulsa ng pantalon, “Ang ganda ng sasakyang binabaan mo, ibenta mo para may ipambayad ka sa ospital ng anak namin,” Napaawang ang labi ko. Gustong tumutol at sabihin ang totoo pero mas pinangunahan ako ng kaduwagan at pagkautal. Hindi naman nila alam ang pinagdadaanan ko. “At may nakapagsabi sa amin na sa Club kayo nakatira na mag-ina. Doon ka rin na yata ng nagtatrabaho kaya may magandang sasakyan kang naghatid sa ’yo at may sarili pang driver, aba, sa itsura mong ’yan talagang may babahay sa ’yo,” “Hoy Dominador, ’wag kang magbigay ng interes d’yan sa babaeng ’yan, baka gusto mong mahawa ng sakit?” pinalakihan niya ng mga mata ang asawa na siyang kinatigil ng pagngisi nito. Makahulugan ang sinabi niya. That’s why my breathe hitched by their stares. Nilingon kami ng nasa kabilang lamesa, tiningnan din ako at pinasadahan ng tingin. I kept on my poise, na parang walang ibig sabihin ang sinabi ng babae. Pero ang puso ko, sugat-sugat na. Nagtitimpi na lang ang luha kong pilit kong pinipigilan na umalpas. “Tatawag kami o magti-text ’pag kinulang itong paunang bayad mo. Hangga’t nasa ospital si Bryan, kargo mo ang responsibilidad. Ipapa-blotter ka namin kung sakaling magtangka kayong tumakas, sana ay maliwanag ’yan, Misis.” The man said to me. Hindi ako sumagot at hindi na rin ako tumingin sa kanila. Nakatingin lang sa akin ang lalaki. Nang paalis na ay hinawakan na siya sa braso ng asawa at hinila palabas sa lugar na iyon. Hindi ako kaagad na umalis doon. Napatulala na lang ako sa kawalan. Napahawak ako sa aking batok at hinilot. Wala akong balak na takasan, pero sana ay gumaling na iyong bata. Para sa ikabubuti na rin ng anak kong si Shane. Thought of transferring him to other public school is an option to me too. Hindi rin lang dito matatapos ay mas gugustuhin ko pang ilipat na lang siya sa ibang eskwelahan para malayo sa trauma. Ilang sandali ako sa ganoong posisyon, nakatungo sa pinag-iwana nilang lamesa. “Mam Ellie okay lang po ba kayo?” Napaangat ako ng tingin sa driver ni Ridge na nasa harapan ko na. Apparently, he looked so worried and problematic. Nilingon ko ang paligid, nawala na iyong kaninang katabi namin sa mesa. “Oo, okay lang ako.” sagot ko. Nagpahatid na ako pabalik sa bahay pagkatapos no’n. Tinanong pa ako no’ng driver kung may gusto pa akong daanan pero umiling na lang ako. Gusto kong dumaan kina Rica, but that would be a wrong move. Pagdating sa bahay ay agad akong nginitian ni Nats, hawak ang pang-spray at basahan ay nilapitan ako’t binati, “Mam gusto niyo na pong kumain?” nakangiti niyang tanong sa akin. Pagod ko siyang nginitian at tinuro ang taas, “Hindi na muna ako kakain. Masakit ang ulo ko e, magpapahinga ako ng maaga, Nats,” mahina kong sagot sa kanya. Ang masaya niyang mukha ay napalitan ng pag-aalala. “May sakit po ba kayo? Dadalhan ko po kayo ng gamot,” “Naku ’wag na. Itutulog ko lang ’to, sige, Nats.” Paalam ko. Umakyat na ako at hindi na siya nilingon pa. Dahil yata sa problema kaya sumasakit ang ulo ko. Ayaw akong lubayan. Dahil sa lamig sa kwarto ay para akong hinahatak ng malaking kama. Sa sobrang bigat ng katawan ko ay hindi na ako nakapaligo. Nagpalit na lang ako ng kumportableng pantulog mula sa mga bagong biling damit sa akin. Naghanap ako ng cotton shorts at T-shirt, pero wala akong makita. Napakamot ako sa buhok at inisip kung may nakita ba akong ganoong tiniklop ni Nats. Parang wala yata. Ang mayroon lang dito ay kulay mettalic black spaghetti strap silk lingerie. May partner namang maiksing shorts, pero sobrang iksi. Bukod sa medyo malalim pa ang neckline niyon. But I guess, I am too tired at sumabay ang pagkirot ng ulo ko kaya kinuha ko na lang iyon. Pagkasuot ay pinatay ko na ang ilaw at iniwang nakabukas ang lamp shades sa nightstand. I drifted to sleep after a while. “Hmm,” naalimpungatan ako dahil sa nakakakiliting nararamdaman mula sa aking leeg. Bahagya akong gumalaw, madilim pa ang paligid kaya sa diwa ko ay gabi pa. Tahimik naman at tanging ang ugong ng aircon at mga paghinga ang naririnig ko. Mga paghinga. Kumunot ang noo ko. Natigilan ako at nagkunwaring nakatulog ulit. Ridge is here..showering me featherly kisses on the bridge of my neck. I bit my inner lip, I’m almost not moving para hindi niya mapansin. But my chest frantically beating so fast, gradually. He doesn’t has heavy breaths. I can feel his hot skin on my arms. He’s half-naked. I can feel his broad hard chest. May mga maliliit iyong buhok na kumikiliti sa aking balat. His arms tightened when he was done kissing me. Umayos siya ng higa at pinailalim sa aking tagiliran ang kanyang kamay. Napasinghap ako nang maramdaman ang mainit niyang palad sa gilid ng boob ko. I remained still. I heard a sigh from him. Tumama iyon sa batok, ilang sandali pa ay hindi na siya gumalaw at tumahimik na ang mabibigat na paghinga. His face is on my hair. Dahan-dahan kong dinilit ang mga mata. Nakapatay na rin ang lamp shades sa aking ulunan. Iniiwasan kong maigalaw kahit na kaunti ang ulo ko dahil pakiramdam ko ay gising pa siya. Nakayakap siya sa akin at paminsan-minsan ay banayad ang humahaplos ang kanyang daliri. If this is just a dream, then even if it was killing me by frustrations, I would gladly be drown in his arms. Matagal bago ako muling nakatulog ulit. Pagising-gising din ako, at sa tuwing magigising ay nakapulupot pa rin siya sa akin. I felt his face at my back, sleeping. Para niya akong ginawang unan habang yakap-yakap ako at nakapatong ang ulo sa likuran ko. Kulay asul na ang kurtina sa bintana nang magising ulit ako. Dahil sa ngawit ay gumalaw ako kahit si Ridge ay nakapatong pa rin sa likuran ko. Humarap ako sa kanya, I was half awake, pinagbigyan niya ako pero hindi ko pa man naaayos ang kumot at hinatak na niya ako ulit at walang pasubaling sinubsob ako sa kanyang dibdib. He was asleep again. Nakalantad na ang binti ko, malamig but he’s keeping me warm by his body. I just closed my eyes and fell asleep again. I woke up and decided to take a shower by 9am. Tulala ako ng isang oras pa noon at ayoko pang bumangon. My problems kept me stilled on the bed. And I badly missing my son. I texted Rica’s number, I immediately received a reply. Kapag wala sa bahay si Ridge ay saka ako hahanap ng tyempo para makatawag sa kanila. Nagising akong wala na si Ridge sa tabi ko. Kaya paglabas ko ng kwarto ay dumeretso ako sa balcony at sinilip ang magandang langit. Hindi pa masyadong matindi ang sinag ng araw. The breeze of the morning is soothing and it’s a bit cold. Ang magaganda at nagtataasang puno sa bakuran ng bahay ay nakakadagdag ng mabangong simoy ng hangin. Pumikit ako at niyakap ang sarili. I smiled a bit while feeling the rare coldness of the wind, the silence of the morning and the chirping sounds of the birds. I stood there for a while, mimicking that I had escape what the world can offer for me. But that was just for a brief moment when I felt the staring heat at me. I opened my eyes and abruptly hacked by his death stares. I stiffened and released a little gasp when I saw Ridge just beside his car. Leaning his back, crossed-arms on his chest and..watching me? Gaano katagal? Nakasuot lang siya ng itim na pantalon at longsleeves na kulay asul. Wala ba siyang pasok? Weekdays pa rin naman ah. Pakiramdam ko ay nasa edge ako at na-out of balance nang magtama ang mga mata namin. He didn’t even blinked while staring at me. Samantalang ako ay hindi mapirmes ang paningin mula no’n. He just hitched my breath. By his rude eyes. We stared at each other. Nasa baba naman siya at sana ay hindi niya nakikita ang komosyon sa itsura ko. His eyes were too intensed, at nang binaba niya ang mga braso at humakbang paalis doon—papasok sa loob ng bahay ay mas lalo akong kinabahan. Malalaki ang hakbang niya na para bang may gyerang susugurin. Sa kaba ay umalis ako sa balcony at bumaba na lang. Napasinghap ako nang makita ko siyang paakyat na hagdanan. Dalawang baitang yata ang nilalagpasan bawat hakbang. Nagmamadali sa kilos. Napahawak ako sa railings at hinintay na lang susunod niyang gagawin dahil habang papalapit siya ay mas kinakabahan lang ako. And when he’s in front of me, I smelled his after shave and shower gel. Iyon din ang gamit ko. I gulped, “B-bakit nandito ka pa—” kinain niya ang sasabihin ko, nang hapitin niya ako sa baywang at siniil ng matinding halik. Namilog ang mga mata ko sa bigla niyang pag-angkin sa aking labi. Ang isang kamay ay kinapit niya sa railings, para hindi kami mahulog. I bumped my chest against his body. My hand landed on his shoulder, trying to calm him from his abrupt kiss. Pero wala iyong nagawa. Nagpatuloy ang halik niya at nag-init ang mukha ko. He sipped my lips like he was thirsty and needy. Every brushes feels so untrue. His kisses matured. But the feelings, were the same. Hindi ko na alam kung gaano katagal kaming naghalikan, na para bang kami lang ang tao sa bahay na ito. We just stopped to gasp for air. Hindi ako agad bumitaw sa kanyang balikat nang lumambot ang aking mga tuhod. Napayuko ako at nahiya. He leaned in, dumikit ang labi niya sa tainga ko at bumulong, “Aalis tayo.” “S-saan tayo pupunta?” I just asked. Hindi siya nagsalita. Nanatili sa ganoong posisyon, hanggang sa iniwan niya ako at bumaba ulit. Pinanood ko siyang naglakad at lumabas ng bahay ulit. Somehow, it questioned me. I heaved out a sigh and decided to follow him. Kaming dalawa lang ang umalis. May sinabi siya sa driver niya at pumasok ulit sa bahay. As usual, he didn’t talk to me habang nasa byahe. Para bang hindi niya ako kasama. Pero ilang minuto pa ay nakaramdam na ako ng gutom. I look outside and pout. I don’t have the face to tell him that I am hungry. Kaya lang, parang may dragon na ako sa tyan ko at sa tuwing may nadadaanang billboard, at nakakakita ng kanin at steak sa advertisement, napapalunok ako ng wala sa sarili. Imagining that food on my mouth. That was embarassing and at the same time feeling normal. Ginilid niya ang sasakyan at nag-park. Napatingin ako sa kanya, nagtatanggal na siya ng seatbelt at tinanong ako, “You haven’t eaten anything since last night, sure you’re hungry, gusto mong kumain?” malamig niyang tanong sa akin. I look at his window, pinark niya ang sasakyan sa harap ng isang Italian restaurant, we’re in BGC, Taguig. I bit my lip and shyly nodded at him. He sighed. “Thank you,” nakangiti kong sabi sa waiter matapos nitong ilapag sa lamesa namin ang mga inorder ni Ridge. Mas lalo yata akong natakam at nagutom nang makita ang mga pagkain. But then, I stopped halfway when I thought about Shane. Gusto kong nakakakain din siya ng mga masasarap na pagkaing nakakain ko. Hindi ko maatim na ako lang ang nakakaranas nito habang iniisip siya. “What’s wrong?” Napaigtad ako. Nakataas na ang mga kilay sa akin ni Ridge. A picture of my Shane was drawn on his face. I wanted to reach it and caressed for my own, but it didn’t happen. I am dwelling. At natagpuan ko na ang sariling umiiling sa kanya. He started eating after that. He doesn’t care, remember that. But what if..I tell him about Shane? Matatanggap niya kaya? He can be angry with me but not on his own son. Pwede siyang mamuhi sa akin pero hindi ang sa anak. Shane will have a better future with him than with me. Pwede rin niyang kunin ang anak at itapon na lang ako, I’m the excess baggage kapag nagkataon. He will never let me see my son after that. Hinding-hindi siya papayag na maging malapit sa akin ang anak dahil marumi ako. He will hate me more for living his son in the Club. Castillanos are rude, both in business and in personal. But they never left an illigimate child be broken. The blood is running in my son, that’s more important over anything. The blood. Tahimik kaming kumain kahit na nabugbog ng What ifs ang isipan. Pero sa huli, I became selfished because of the possible excruciating pain that I could feel. I am a damn good mother, I think. And it’s not gonna be selfished if I wanted to be with my son. He’s the main reason I am still living. I am pushing myself limitless to give him a better life with me. At ang mabuhay araw-araw na wala siya, hinding-hindi ko rin kakayanin. Maaaring maging maayos siya sa mga Castillano, pero hindi ko pa rin alam kung tatratuhin siya roon ng maganda. Ridge could, but how about his parents? Family? Siguro ay ganito rin ang naramdaman noon ni Tita Lian. She chose to raise Ridge on her own, even the powerful name didn’t allure her. That’s all the motherhood would be like. Natapos ang pagkain naming walang nagsasalita. Lumabas kami at nagbyahe lang din sandali. Pinark niya ang sasakyan sa harap ng isang..boutique? And it’s named as, Secret. Mula sa labas ay nakita ko ang mga naka-display na alahas, bestida at designer bags. My eyes were stucked on that items not because of the brand, but the classy designs and touched of variety. Naagaw lang ang atensyon ko nang untagin ako ni Ridge. “Move.” Utos niya sa akin. “Uh, o-okay,” nahiya ako. Alam niya naman kung anong pinakagusto ko noon, bukod sa kanya. Pumasok kami sa Secret, and a lady in black in a proper corporate suit greeted us. Bahagya pa itong nagulat nang makita si Ridge. she bowed her head and prepare a widest smile. “Good morning, Mr. Castillano!” bati niya rito. Hindi niya ako binati, ni sulyapan dahil na kay Ridge lang ang paningin. I don’t mind. Dahil nang makita ko sa malapitan ang mga alahas ay para akong nangangating lapitan iyon at busisiin ng maagi. I roamed my eyes and set everything in my head. Sa harap ng double glass doors ay may tanggapan ng mga bisita, customer. A desk for the staff, a round glass table with two visitor chairs and a vase on the center. Nasa likuran ng staff desk ay naka-emboss ang acrylic signage na Secret, may ilaw iyon na puti at ang gilid ay nakukulayan ng itim. Sa likuran ng pader na iyon ay ang mahabang salamin kung saan nakalatag ang mga alahas. All are made of Swarovski. Nagniningning sa pagtama ng kulay gintong chanderlier, dalawa pa iyon at sa gilid ng kisame ay inukit na bilog na butas para sa maliliit na bumbilya. There’s a theme in this store, a Palace. Malapalasyo ang ukit disenyo, a European vibes in all corners. “Please come in,” the lady in black ushered us to get inside. Pagpasok sa loob ay mas nakita ko pa ang ilang babaeng staff nila. Unlike the lady in black, these girls at the counter were all in velvet red uniform. Casual pa rin at lahat ay naka-french knot and buhok. Wearing white gloves on their hands, aligned properly and has a tight smile towards him. May isang customer silang inaasikaso at tila big time iyon. Ang Ginang ay tumitingin ng isang Swarovski necklace, looking herself at the mirror while the necklace was on her. A beautiful smile written on her red lips. I casted myself on the glasses, there so many good designs and surely they are all cost a hundred thousands or so..but the beautiful designs..it just so attractive. I could even made my own designs in my head. I look up and I even saw a racks of dresses. Naka-divide pa iyon by colors. Bawat pinaglalagyan ay may nakabukas na ilaw. This is a breathtaking scene. Sa aking gilid ay nakita ko ang hindi pag-alis ni lady in black sa tabi ni Ridge, madalas ba siya rito? I remember she called him by his last name. “Would you like a cup of tea or coffee instead, Mr. Castiilano?” I heard her asked him in a most polite way. Ngunit nang marinig ko ang sagot ni Ridge, malapit na ito sa likuran ko. “I’m fine. Ellie,” he calls me. I sighed and look at him, umiling. Yumuko pa siya at tiningnan ako sa mga mata. Naramdaman ko ang paggapang ng kanyang mga kamay sa paligid ng aking baywang. Naestatwa ako. Everyone’s looking at us. I was conscious dahil nakasuot lang ako ng puting T-shirt at blue faded jeans. Kung ikukumpara roon sa Ginang na customer, magmumukha akong katulong o alalay. “This is your store.” He whispered. Fuck? Namilog ang mga mata ko, napaawang ang labi ko at manghang tinitigan siya. This is my—what? “A-anong..” pumintig ng napakabilis ang puso ko. Nag-init din ang mga pisngi. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang kumibot nang kaunti at tumaas ang gilid saglit. He stood up straight, hapit ako sa baywang at saka pinasadahan ng tingin ang mga babae. “Here with me, is the Chief Operating Officer of Secret,” binabaan niya ako ng tingin, “She will be in-charge from managing, productions and designs to be approved. She’s also can provide a propose jewelry designs, soon. Starting today, she will be worked with you, so anything that you need to know or ask, you have to coordinate with her.” Nahirapan akong lumunok. Pagkatapos ng speech na iyon ni Ridge ay nilapitan na ako ni Miss Emma—si lady in black, ang manager ng Store. Ridge assigned her as my assistant too. Hindi na tumanggi ang babae at tahimik na tumango na rin. Emma introduced me to other ladies, isa-isa pero parang walang pumapasok sa aking mga pangalan. Lahat sila nakangiti akong binabati. Halos i-orient na nila ako pero hinatak ako ni Ridge mula sa kanila. He said, I can visit them in any day I want, orient me in any day I want too. But not today. Nakaipit lang ako sa kanyang gilid habang kinakausap si Emma. Nilingon ko ang mga items sa paligid. I remember, this was my dream. To put up my own jewelries, dresses store. At napakalayo ko iyong makamtam na parang bituing kay hirap abutin. I had never imagined this anymore. Never even in my wildest dreams. With tears in the corner on my eyes, nilingon ko siya, napatakip ako sa aking bibig nang mararamdaman ang papaalpas na damdamin. Kumunot ang noo niya at sinagot ang tingin ko. I couldn’t help it..I abruptly move—tumingkayad ako at iniikot ang mga braso sa kanyang leeg. I hugged him because of too much emotions. I felt him stiffened and halted. Nilubog ko ang basang mukha sa kanyang leeg at doon binuhos ang luha. I just felt him hugged me tightier and sighed. *** Hi! Please vote, comment and follow me too! Thank you :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD