Chapter 29 Rica Napabuntong hininga ako nang makita ko naman ang muling pagtayo ni Ridge at hindi mapakali habang nakabantay sa labas ng pinto ng Emergency Room. Kahit si Achilles ay nakatingin na rin sa kanyang pinsan. Palaging umiigting ang kanyang panga at namumula ang kanyang mukha. Nakakatakot siya, kaya nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihan kong huminahon. Halos kalahating oras na rin mula nang ipasok sa loob ni Ellie, walang malay. Ang hula ko ay buntis siya ulit at si Ridge ang ama. Hindi ko man inaasahan na magbubuntis siya ulit lalo pa at ang komplikado ng relasyon nilang dalawa. Mas lalong magulo ngayon dahil may kapatid na si Shane. I sighed. This man really loves my bestfriend. Kung pwede ngang ma-obsess ang isang lalaki sa babae ay legit itong si Ridge Castillano. Obes