Tawa ng tawa pa rin si Giby at napaluha na ito. Nanatiling nakataas ang kamay ni Ula at takang-taka kung bakit panay ang tawa ang amo. Nang matanto niyang sandal ang kaniyang hawak at hindi phone ay lumaki ang kaniyang mga mata. "BUANG!" bulalas niya sabay ibinato sa boss ang hawak niyang sandal. Nakailag si Giby mula sa lumilipad na sandal. Dahil sa sobrang hiya ni Ula ay agad itong nagtago sa ilalim ng kaniyang makapal na kumot. Ang boss naman ay patuloy pa rin sa katatawa, sapagkat hindi pa ito nakapag-move on sa pagsagot ni Ula sa kaniyang sandal. "Halika na sa itaas, kumain na tayo... lalamig na iyong niluto ko." anito na pilit tinatanggal ang kumot "Kainis ka naman... niloloko mo ako..." pagmamaktol niya. Tumawa ito. "Gusto mo mapanood ang video?" "Patingin..." tugon niya.