Yumuko ang ex-girlfriend ni Giby na ex-girlfriend rin ni Gilbert. Hindi ito makapagsalita sapagkat ayaw niyang ilaglag si Gilbert. "Alam mo oney? Marunong akong mangalbo ng mga taong sinungaling." Parinig ni Ula na ang tingin ay nasa mukha ni Giby. "Oo nga... oney. 'Yan ang sabi ni Tatay sa akin, ayaw mo raw sa sinungaling." Sakay naman ni Giby. "I-I have to go," paalam nito at akmang umalis dahil nakaramdam siya ng takot sa asawa ni Giby. "Sandali... sandali! Hindi mo pa sinagot ang tanong ng asawa ko. Alam mo? Laking baryo ako, kaya sanay na sanay ako sa scandalo baka gusto mong sampulan kita dito," dagdag pa ni Ula. Halos hindi naman makakilos ang babae dahil hinila ni Ula ang kaniyang buhok. Ang totoo wala namang balak mag-eskandalo ang oney ni Giby. Pananakot lang ang sa kaniy