Chapter 22

1441 Words

Maraming natawa sa dalawa at may lihim rin na kumukuha sa kanila ng video. Hanggang sa makapasok na sila sa loob ng eroplano sa economy ang kanilang upuan. Sapagkat iyon lang ang available. Sobrang tahimik ni Ula. na tila mapapatae sa takot na kaniyang naramdaman. Hanggang sa paalis na sila. Para hindi mabibingi si Ula ay nilagyan niya ng headset ang tainga nito. Dahan-dahang tumakbo ang eroplano at dahan-dahan rin siyang humawak, kung saan-saan. "HUMAYGAD!" Bulalas nito at kumapit sa balikat ng boss. "It's okay..." nakangiting sabi ni Giby at inakbayan niya ito. Pabilis ng pabilis ang takbo at umaalog ang buong katawan ni Ula. "Hu....may...gad! Sabi mo parang sumasakay lang nang kabayo. Pero bakit ganito? Juicemilo! Para akong nag-kumbulsyon..." boses ni Ula na parang nakuryente.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD