JARED "Hello, Miles?" sabi ko sa kabilang linya nang tumawag siya. "Jared, I'm sorry. Naghalf-day lang ako today." "It's okay. Kaya pala wala ka sa opisina n'yo kanina. At nasabi nga rin sa 'kin ni Ethan na hindi ka na bumalik after n'yong mag-usap. Paano pala ang gamit mo dito?" "Uhm... That's why I called you. Nandito kasi ako ngayon sa agency nina Deus at hindi ako makaalis dahil wala akong pera pamasahe pauwi." Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi niya. "So in short, nagpapasundo ka sa 'kin para mahatid kita pauwi at madala ko sa 'yo ang gamit mo." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya mula sa kabilang linya. "Kung hindi sana nakakaabala sa 'yo." "Silly. Kelan ka ba naging abala? Ikaw pa? Malakas ka sa 'kin, eh." "Salamat, Jared. Hihintayin na lang kita dito." "Okay. See yo

