MILES Mapait akong napangiti nang makitang nakatingin lamang si Nate kay Zelline nang magsimulang itong kumanta. Sa buong durasyon ng kanta ni Zelline, nakatingin lamang sila ni Nate sa isa't-isa. Ni hindi man lang nagbabawi ng tingin ang isa sa kanila. At para bang nag-uusap sila sa mga tingin nila. Inisang lagok ko ang laman ng wineglass na hawak ko. Nang matapos ang kanta ni Zelline, saka lang bumaling at tumingin sa direksyon ko ang mga mata ni Nate. His stare. That familiar stare. Ganyan na ganyan ang tingin niya sa 'kin noon nang sabihin niyang mahal niya ako. Ganyang tingin niya ang palaging nagpapabilis at nagpapalakas ng t***k ng puso ko. Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang lumapit at gumanti ng yakap si Nate kay Zelline nang yakapin siya nito at umiyak sa mga bisig n

