MILES I felt his body stiffened, but he didn't move away. Few minutes later, I heard him took a deep breath and his body relaxed, wrapping his arms around me. "It's okay. I'm here," masuyong pahagyag niya. Marahan din niyang tinapik-tapik ang likod ko para pakalmahin ako. I tightened my hold on him. Mariin akong pumikit at mas lalong isinubsob ang mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat niya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa mga bisig ni Nate. Ilang sandali pa, muling bumukas ang ilaw at nagliwanag sa buong paligid. Nang mapagtanto ko ang posisyon namin, mabilis akong humiwalay sa kanya. Medyo kumalma na rin ako at humupa na ang panginginig ng katawan ko. "Okay ka na?" narinig kong tanong niya. Hindi ko magawang tumingin nang diretso sa mga mata niya kaya tanging tango lang