Simula nang nangyari iyon sa ilalim ng tulay ay lalong naging makulay ang mundo nina Sam at Kimberly. Lalo na ang dalaga na hindi na halos namamalayan ang paglipas ng mga araw. Lalo siyang nalunod sa pagmamahal sa kaniya ni Sam. Walang sandaling hindi iyon ipinaparamdam sa kaniya ng binata. Dahilan para sandaling mawala sa isip niya ang tunay na kalagayan. Lubos ang pasasalamat ni Kimberly na aksidente niyang nakita noon sina Sam at Whena sa mall. Dahil iyon pala ang magiging daan ng lahat. Ipinaliwanag na sa kaniya ng binata ang tunay na nangyari at pinagkatiwalaan naman niya ito. Lalo pa at mas pinaparamdam sa kaniya ni Sam na siya na lang ang babae sa buhay nito. Kapagkuwan ay tiningnan niya ang katabing si Sam na pinagpapawisan habang nag-aabang sila ng jeep, pauwi sa kanila. Napang