Chapter Thirty Two: "Napag-usapan na namin ni Shivan ang lahat lahat," pahayag ng papa ni Ella pagkatapos ay uminom sa baso n'ya na may lamang yelo at rhum. Sinalinan n'ya kami ng tig-iisang baso at sinabi na kaagad na wala nang balak pang dagdagan ang alak dahil ayaw n'yang madistorbo ang lahat kung malalasing kami. "Pa, totoo bang may anak na si Kuya Manuel?" iyon ang unang tanong ni Jin pagkatapos magsalita ng kanilang ama. Seryosong nilingon n'ya si Jin at saka tumango. "Oo, noong nakaraan lang din naman n'ya nalaman," sagot ng papa n'ya. "Joaquin, hindi na ba magbabago ang desisyon mo?" Umaasang tanong ni dad kay tito Joaquin. Now that my dad mentioned his name, ngayon ko lang nalaman ang pangalan ng magiging father in-law ko. "Hindi na, lalo pa at may banta sa buhay ng anak ko

