CHAPTER 17 (Nami's POV) "Frey....I don't know kung anong nangyari but I was really anticipating her kiss." "My God bestfriend. Nababakla ka na ba?" nangalumbaba si Freyja sa harap niya. "Sabagay marami akong naririnig sa mga straight girls dito na nag c-comment na may girl crush sila kay Yuri. Ikaw pa kaya? Lagi mong kasama sa iisang bubong at former bestfriend mo pa pala nung middle high." Nagpanting ang tenga niya sa mga huling sinabi ni Freyja. Maraming may girl crush kay Yu? Hindi pwede! Marami siyang magiging ka kumpetensiya kung nagkataon. "Totoo ba yang sinasabi mo?" hindi niya napigilang tumaas ang tono ng boses niya. "San ka ba nagagalit? Sa kaalamang baka lesbian ka o dahil maraming may crush sa 'girl crush'mo din?" nanunukso ang mga ngiti na nakapaskil sa labi ng bestfrie