Nalove at first sight si Julianne sa makisig at matipunong si Sandro Asteria. He was tall, suave and a total hunk. Lamang, nababakas niya ang matinding lungkot sa tsokolate nitong mga mata dulot ng pagkamatay ng Asawa maraming taon na ang nakakalipas. He was lonely and alone. Julianne could see that he wanted to hate the world, ngunit nangingibabaw dito ang pagkasuklam sa sarili. Gusto nitong parusahan ang sarili sa anumang kasalanang hindi naman nito sinadya. At determinado siyang pasayahin muli ang makisig na Mayor. Nais niyang makita ang ngiti sa mga labi nito, gagawin niya ang lahat upang pasayahin ito... Ngunit hindi siya nakakasigurong mananatili ang katinuan kapag natapos ang namamagitan sakanila.