Maaga ako nagising dahil kailangan ko pang maligo para makapasok na sa eskwelahan. Hindi na rin ako nakapagpaalam pa kay Marco dahil tulog pa rin siya nang magising ako. pasado alas kwatro kasi ng umaga nang maalimpungatan ako sa malambot na kamang hinihigaan ko. Naabutan ko si Mama na nagluluto na ng umagahan. "Ma." Tawag ko. "Oh, okay ka na?" Tanong nito habang nagluluto ng itlog para maging umagahan namin. "Opo." "Mabuti naman, Panay ang text ni Marco kahapon kung normal lang ba daw 'yon.." Natatawang sabi ni Mama sa akin. "O.A lang po siguro talaga 'yon si marco. Alam n'yo naman po 'yon." Naligo muna ako para kakain nalang pagkatapos. Mamaya ring alasais ng umaga ang pasok ko kaya dapat mga bandang 5:30 AM eh nasa school na ako para hindi ako malate. Pagtapos kong maligo ay kaka