Nasa labas kami ngayon ng bahay nila Renz. Hindi ako makahakbang papasok sa kanila dahil sa nakikita ko. Funeral. A funeral for Renz. May pangalan ni Renz na nakakabit sa labas ng bahay nila at may tarpaulin din na nagsasabi ng hustisya para sa nangyari sa bata. Tahimik ang paligid dahil wala man lang kabisi-bisita. Oo nga pala, wala nga palang pake ang kamag-anak nila sa kanila. Kaya siguro hindi nila mabisita si Renz kahit sa huling hantungan nito. "Spent..." Napatingin ako kay fiery priest na nakaalalay pa rin sa 'kin hanggang ngayon. Alam kong hindi ko pa kayang maglakad ng maayos lalo na't kagigising ko lang matapos ang tatlong araw, kaya hinayaan ko siyang alalayan at tulungan ako. "I can't," saad ko. Ngumiti siya sa 'kin. "It's okay." Hindi man ako sanay sa ugali niyang ga