"Tristan, nasa forensic team pa ba 'yong refill drink na pina-test natin?" tanong ko at inalis muna ang tingin sa mga monitor na nasa harapan ko. "Oo, nasa kanila pa. Kukunin ko ba?" sagot niya na inalis din ang tingin sa papel na binabasa niya. I think he's familiarizing every detail of this case. Para kung sakaling may butas na mahanapan ang kalaban sa kaso namin, ay may panlaban at makakalusot siya agad. "Hindi. Pero mag-re-request tayo sa kanila na pwedeng maging witness. Na siya mismo ang mag-e-explain kung ano'ng meron sa refill drink na 'yon and further details." "Okay, I got it. Aasikasuhin ko 'yan bukas." Tumango ako bago tumingin ulit sa laptop at computer ko. "Still comparing?" "Yup. I cannot see yet the difference." I need a high quality version of the other vid