"Wala akong alam." This is the fifth time na sinabi niya 'yan. Kailangan namin makakuha ng impormasyon sa kanya dahil baka mamaya ay matulad din siya kay Benny Madalura. Na pinatahimik ng Nassoni Mafia. Kaming dalawa lang sa loob ng interrogation room. Nasa kabila ang two idiots na pinapanuod kami sa tinted na salamin kung saan nando'n din ang mga monitor na nag-re-record ng pag-uusap na ito. I already got his name. Albert San Jose. At pinaasikaso ko na kay Tristan na hanapin ang iba pang detalye ng manong na 'to. Dahil pangalan lang niya ang ibinigay niya at wala nang iba. Fifty-fifty pa ang chance kung nagsasabi ba 'to ng totoo na pangalan niya nga 'yon. Isa pa, kalmado lang siyang magsalita. Hindi tulad no'ng una naming pagkikita. "Isa pang wala akong alam, hindi ako magda