"Delivery po!" rinig kong sigaw sa baba. Napatigil ako sa pagbabasa ng impormasyon tungkol sa SNY Express. I waited for a few minutes na labasin 'yon ni fiery priest at siya ang humarap sa delivery rider. I didn't order anything, so I know it's not mine. "May tao po ba?!" sigaw ulit sa labas. Napahawi ako ng buhok paitaas at nagdesisyon na lumabas nang parang hindi pa rin lumalabas si fiery priest. "Kaninong order 'yan?" tanong ko habang bumababa sa hagdan. "Tristan Reyes po, Ma'am." Tristan? Order ni Tristan pero rito pina-deliver sa bahay ni fiery priest? Nababaliw na ba siya o namali lang siya ng address na nilagay? "I think wrong address, Sir. Hindi rito nakatira si Tristan Reyes." "Ay tama po ang address, Ma'am. Pa-receive na lang po pagkain po ito," aniya. Napakunot ako

