PAGKAPASOK ng mansyon ay nadatnan ni Serena ang kaniyang asawa sa malawak na living room na mala-haring nakaupo sa isang royal couch suot pa ang business suit nito at parang madilim nga ang anyo. “Ano sa tingin mo ang pinaggagawa mo, Serena?” agad nitong tanong sa kaniya sa mahinahon, pero mapanganib na boses. “Ginawa ko lang ang tama,” kalmado naman niyang sagot at nakahalukipkip na umupo sa kabilang couch. “Bakit, huwag mo sabihing nagagalit ka sa ginawa ko?” “Anong gusto mo matuwa ako!” sigaw na ni Cyrus na napatayo na. Parang nagitla naman si Serena sa gulat. “Alam mo bang muntik na akong maaksidente habang pagmamaneho kanina dahil sa pagkabigla nang makita ang litrato mong naka-billboard sa may highway, at may kahalikan kang lalaki!” muling sigaw ni Cyrus na nanlisik pa ang mga m