KINAUMAGAHAN ay umuwi na sila ni Allain pabalik sa mansyon ng kaniyang asawa, at habang nasa biyahe ay walang imik si Serena sa backseat, nakasandal lang siya sa upuan at pinikit ang mga mata na may suot na sunglasses. Habang si Allain naman ay tahimik lang nagmamaneho, pero pasimple siya nitong tinitingnan sa rearview mirror. It was past five in the afternoon when Serena had just finished taking a refreshing shower and was now leisurely lounging on the balcony, wrapped in a luxurious red bathrobe. Ilang sandali pa ang lumipas ay natanaw na niya mula sa malayo ang pagbukas ng malaking gate at ang pagpasok ng tatlong magkasundo na itim na kotse. Marahan na inalog-alog ni Serena ang wine sa hawak niyang glass at sumimsim ng konti habang pinapanood ang tuluyan nang pagpasok ng mga kotse sa