Halos dalawang oras at kalahati ang biniyahe nila mula sa Maynila hanggang Sabang Batangas, at pumasok na ang sinasakyan nilang kotse sa isang malaking gate na may nakasulat sa taas: Hacienda Dionira. After a few moments, Allain stopped the car in front of a classic bungalow house. Bumaba si Allain at mabilis na umikot papunta sa kabila, pinagbuksan siya nito ng pinto. “Where are we, Allain? Kaninong lupain ’to?” she asked in astonishment as she got out of the car and looked around. “Pag-aari ’to ni Dad. He named this hacienda after Mom,” Allain answered. Nilibot naman ni Serena ang tingin sa malawak na lupain na napakaaliwalas, kitang-kita ang dalawang matandang lalaking naglalakad sa may kalayuan. “Who resides here?” she inquired with fascination. “’Yong mga dati pa ring katiwala