Kabanata 36 PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA ON THE WAY NA KAMI sa Karikitan Beach kung saan sana kami tutuloy noong nakaraan, ngunit dahil nandito sina Maricris at syempre, si Carmina at Francis ay gumawa ako ng paraan upang hindi kami matuloy dito. Wala pa rin akong imik at maging ang anak ko ay wala ring imik. Hanggang sa mag-ring ang cellphone ko. Kinakabahan akong sagutin iyon dahil baka si Sir Arthur ang tumatawag ngunit hindi, kundi si Maricris. "Sis, mayroon akong chika," sabi pa niya. "Mamaya ka na tumawag, nasa sasakyan ako," sabi ko sa kaniya. "Mahalagang bagay ito," sabi pa niya. "Okay sige na, dalian mo,"