Kabanata 48 PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA PAGKATAPOS ng kanilang performance ay agad na rin silang nag exit sa stage. Gusto kong puntahan ang anak ko dahil hindi ako makapaniwala na makakaya niyang tumugtog at kumanta. Sa katunayan ay hindi ko pa naririnig kumanta si Hector at ngayon, sa unang pagkakataon ay napakinggan ko siya. Mayroon pala siyang itinatago na talento na parang namana pa ng kaniyang anak. Naiwang magkahawak kamay ang mga kamay ko habang hinahalikan ko ang dalawang hinlalaki ko at naluluhang nakatingin sa kanila habang magkahawak kamay silang umaalis sa entablado. Proud na proud ako sa kanila at wala