Kabanata 22 Kahit na malayo yong bahay ng malapit naming kapitbahay sa bahay na inuupaan namin ni Mama at medyo masakit na din yong mga binti at likod ko sa kakalakad pinili ko pa din'g pumunta sa bahay ng kapitbahay. Baka nandon lang si Mama! Paulit-ulit ko pang sinasabi sa sarili ko pero takot na takot talaga ako. "Aling Mira?" Tawag ko sa matandang babae na nakatira lang mag-isa dito malaking bungalow house. Tumahol naman yong aso nilang nakatali lang sa my gilid ng gate at saka lumabas ang matanda. Kumunot pa nga yong noo niya ng makita niya ako. "Nagdidilim na Angeline, ano pang ginawa mo dito Hija?" "Uh. Itatanong ko lang po sana kung nandito si Mama?" Agad naman niya akong sinagot na hindi pa nangpupunta si Mama ngayong araw na 'to sa kanya. Sunod naman ay ang kapitbahay namin s