Kabanata 2
"Hindi mo man lang ba naisip na you're hitting two birds at one stone?" Tanong sakin ni Ciffer ng sabihin ko sa kanyang pag-iisipan ko na muna yong sinasabi niya. Umiling-iling pa siya at saka niya pinagpatuloy yong sinasabi niya.
"Makakasama mo na si Trigger at magkakapera ka pa. Pwede mo nang mapagamot si Tita. Agad naman akong natauhan sa sinabi niya. Si Nanay kailangan niyang mapagamot sa lalong madaling panahon, ayuko. Ayuko siyang mawala sakin.
"At saka you're living your life to the fullest, correct?" Muli ko namang naibalik yong tingin ko sa kanya ng tanungin niya yon sakin. Automatiko akong napatanggo. Pinangako ko kasi sa sarili kung, I'll live my life to the fullest sisiguraduhin kung magagawa ko lahat ng gusto kahit na hindi ako mayaman, basta my pagkakataon gagawin ko yong mga adventure na sa tingin ko ay cool.
"Kaya 'tong pag-aapply mo as bedwarmer ni Trigger take it as my dare." At saka siya ngumisi sakin. Nasapo ko nalang ang noo ko at sunod-sunod na napailing. Kundi pa nga tumunog yong sikmura ko dahil sa gutom malaman ay magpapatuloy yong pangungulit sakin ni Ciffer.
***
"Anong hindi ka pa nakakapagdecide?" Medyo inis namang tanong sakin ni Ciffer. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magpahaba ng nguso sa reaction ng mukha niya at tono ng boses niya. Tatlong araw na simula nung sabihin niya sakin yong hiring ni Trigger pero hanggang ngayon kasi hindi pa talaga ako nakakapagdecide. Maiisip ko pa ba yong kalokohang yon, eh hanggang ngayon nakaconfine si Mama sa hospital at hindi pwedeng lumabas kasi hinang-hina pa siya.
Ni-hindi ko na nga alam kung san ako kukuha ng pangbayad sa bill at pangbili sa mga resetang gamot ng Doctor. Grabe naman kasi si Tita, ni-ayaw magpautang. Kaya kahit na gustong-gusto ko bantayan si Mama sa hospital hindi pwede, kailangan kung magtinda para my sahod.
Hindi ko naman nakuhang sumagot kay Ciffer ng bilang pumasok sa loob ng kwarto ko si Doctor Santa Maria kasama ang isa pang nurse. Meron kasing isang nurse na nagbabantay kay Nanay sa loob, medyo pabago-bago kasi ang blood pressure niya kaya kinakailangang bantayan. Kaya ayun, nagdesisyon kami ni Ciffer na sa labas, kung nasan yong waiting area nalang tumambay. Agad namang binalot ng kaba ang buo kung sistema at akmang papasok sana ako sa loob ng kwarto ni Mama ng pigilan ako ng isa sa mga nurse. Wala tuloy akong nagawa kundi mag-antay nalang sa labas at umiyak nalang.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi ko kay Ciffer at saka niya ako inalalayang maupo sa waiting area. Inabutan din niya ko ng bottled water pero ni-hindi ko maabot-abot 'to dahil sa panghihinang nararamdaman ko matapos ang muli naming pag-uusap ni Doctor Santa Maria.
"Kailangan daw ng blood donor ni Mama at hanggang bukas nalang yong deadline ng paghahanap ko ng blood donor na pwedeng magbigay sakin ng libre." Blood type AB kasi si Mama at mahirap hanapin, meron sana dito sa hospital ang kaso lang kailangan kung bayaran agad-agad. Eh, san nga ako kukuha ng pera? Bakit ba ang hirap-hirap nilang maintindihan na wala akong pera at hindi nalang muna ipautang sakin yong bill. Nakakainis naman!
"Kaya nga sabi ko sayo kanina, magdecide ka na. Hindi naman sa prinepresure kita bess, pero kasi kailangan ko din yong pera ko para sa pundo ng mga new designs ko. Alam mo namang sa September na yong fashion show ko at nagrarush na kami ngayon, syempre kailangan matapos lahat ng collection or malalagot ako sa mga clients. Kailangan ko din kasi ng puhunan bess." Napatango naman ako sa sinabi niya, naiintindihan ko naman siya eh. Sigh.
Hindi din naman nagtagal at nagpaalam na din sakin si Ciffer madami pa daw kasi siyang kailangan gawin sa botique niya at nagsabing babalik nalang siya kapag my free time siya. Tumango nalang ako at nagpasalamat at saka nagdesisyong bumalik sa kwarto ni Mama pero tulog na tulog naman siya.
Halatang-halata sa mukha niya ang pagod. Hindi ko na naman tuloy maiwasang mapaiyak at bago ko pa siya magising dahil sa pag-iyak, nagdesisyon nalang akong magpunta sa maliit na simbahan dito sa simbahan.
Sandali akong nagdasal at nagtanong kay Papa God kung ano ba ang tama kung gawin? Pero mukhang wala din naman akong choice, wala akong pag-uutanggan wala kasing my gustong magpautang sakin. Sigh. Kahit bumbay. Si Ciffer lang naman ang kaibigan ko, high school classmate kasi kami and to cut the story short, naging magbestfriend kami for ten years now.
Hindi ko naman pwedeng iasa sa kanya lahat ng gastos dito sa hospital kasi my mga pangangailangan din naman siya. Papa God, since wala naman na talaga akong choice at saka chance ko na din 'to para makasama si baby Trigger my loves, sana iguide niyo nalang ako. At saka baka ako na din yong makapagpatunay na totoong my forever sa lahat ng taong nagsasabing wala.
Kaya yon, kinagabihan tinawagan ko si Ciffer at ng buksan ko agad yong topic tungkul sa paghahire ni Trigger ng bedwarmer mukhang nagkaron na siya ng idea sa naging desisyon ko at bago tuluyang matapos yong pag-uusap namin, my mga naging bilin pa siya.
[Huwag kang magpupuyat ha? Magbeauty rest ka bess! At bukas pupunta ako jan ng maaga, sinabihan ko na din si Ate Mia na siya na muna ang magbantay kay Tita Angel sa hospital bukas. Magpapaspa tayo bukas! Bess excited na ako, ipapamake over kita ng bonggang-bongga para sayo nalang mapako yong atensyon ni Trigger bukas ng gabi at ikaw ang piliin niya!] Sa huli wala akong ibang naging reaction kundi ang mapailing-iling nalang pero hindi ko din maiwasang hindi mapangiti at the same time.
***
"Ang aga mo naman eh!" Reklamo ko kay Ciffer ng pagbuksan ko siya ng pinto. Ayuko pa nga sanang bumangon pero wala akong choice, ayaw kasi niyang tumigil sa pagkatok at pagtawag sa cellphone ko eh hindi ko na nga siya sinasagot. Kulit talaga!
"Sinabi ko naman na sayong maaga tayo ngayon diba?" Sagot naman niya sakin at halatang-halatang sa mukha niyang excited na excited siya sa plano niya para sa araw na 'to. Hindi ko tuloy maiwasang mapailing-iling nalang. Napahikab naman ako at naupo sa sofa namin, agad namang siyang tumabi sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit ang laki ng eye bags mo? Mukha kang walang tulog! Zombie in short!" Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Pero tama naman siya, wala akong naging mashadong tulog kagabi. Paano kasi ay hindi ko mapigilang makaramdam ng excitement. Ikaw ba naman makilala mo ng personal yong lalaking mahal mo at nakikita mo nalang sa mga magazines, TV at social networking. Sinong hindi maeexcite diba?
"Siguro naman ay magagawan pa yan ng paraan!" Maya-maya ay sabi niya sakin at saka niya ako hinila patayo mula sa pagkakaupo, the next thing I knew tapos na akong maligo at nakasuot na ako ng maong skirt at off shoulders na baby pink na shirt na pinaresan ko pa ng itim na maong jacket. Nasa loob na din kami ng kotse ni Ciffer at ready na kung san man yong lakad na sinasabi niya.
"Magpaspa nalang muna tayo nang mascrub naman yang mga libag-libag mo sa bikini part. Baka yan pa ang ikaturn off ni Trigger!" At saka siya walang tigil na tumawa. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero mukhang walang effect sakanya hanggang sa makaget over na siya sa sarili niyang joke.
"Araaaayyy!!" Reklamo ko naman ng hilain nung babaeng nagtratrabaho dito sa spa yong puting mukhang scots-tape sa my binti ko. Yan daw ang ginagamit na pang-shave sa mga balbon. Ang sakit naman! Sunod naman niyang inahit yong balbon sa braso ko at buhok sa kili-kili.
"Hindi lang pala tiis ganda 'tong pagpapaganda ng mga mayayaman eh! Buwis buhay pa!" Reklamo ko kay Ciffer ng minamasahe na yong buo naming katawan habang wala kaming kahit na anong suot na damit, tangging maliit lang na mukhang towel ang tumatakip sa p'wetan namin.
Tinawanan lang naman niya ako at saka niya pinikit yong mga mata niya hanggang sa namalayan ko nalang pareho na pala kaming nakatulog at nagising nalang ng gisingin kami nung mga babaeng nagmamasahe samin. Grabe! Ganito pala yong pakiramdam ng mamasahe yong buong katawan, ang sarap sa pakiramdam.
Sunod naman kaming nagpunta ni Ciffer sa isang restaurant na puro korean food ang sineserve, pwede ka pa ngang magkorean custome eh. Gusto ko nga sanang itry kasi once in a bluemoon lang naman ako maghappy-happy pero tumanggi si Ciffer. Bruhang KJ! Ang sabi niya sakin madami pa daw kaming kailangang gawin at wala yan sa plano namin, kain lang daw talaga yong pinunta namin dito.
Matapos naman naming kumain, nagpahinga lang kami sandali at nagdiretso kami sa mall. Nakailang boutique din kaming napasukan at ewan ko ba dito kay Ciffer at hindi pa din makapili-pili ng damit at shoes na babagay daw sakin. Eh, kung ako lang kahit ano damit at shoes okay na sakin.
Hanggang sa makarating kami sa Plains and Print. Bigla naman akong napangiti, si Anne Curtis kasi yong nag-eendorse ng brand na 'to eh fan na fan niya ako. Kaya naman kung kanina nakaupo lang ako at nag-aantay lang ako na makapili ng damit at shoes para sakin si Ciffer ngayon nakitingin na din ako ng pwedeng kung maisuot.
Nung una ay parang gusto kung kunin lahat ng damit. Haha! At for sure kapag nalaman yon ni Ciffer sasakalin niya ako at sasabihin niyang my balak ba akong ibankcrap siya. Lol! Inikot ko pa muna yong kabuoan ng boutique ng mapansin ko yong kulay baby pink na cocktail dress. Above the knee ng mannequin yong dress pero hanggang binti naman yong laylayan ng dress mula sa likuran.
Mula sa tube hanggang sa my tyan nung dress, ay my design 'tong maliit na bulaklak na kulay baby pink din, tuloy ay nagmumukhang bulaklak na pinagtagpi-tapi yong upper part ng dress pero sobrang gandang tignan. Meron din'g iilang piraso sa my skirt na part sa upper part lang din na iilang pirasong maliit na baby pink na bulaklak na mukhang nahulog lang sa upper part ng dress. Sa my laylayan naman ng dress sa harapan lang na bahagi meron 'tong puting ruffles.
Agad ko namang hinawakan yong dress kaya my lumapit na sales associate sakin. Ngumiti siya sakin at nagprinsintang iaasist na daw niya ako, tumango nalang ako at nang binalinggan ko naman ng tingin si Ciffer nagthumbs up lang siya sakin habang nakangiti kaya sumunod na ako sa fitting room. Tamang-tama namang pagkasuot ko ng dress biglang my kumatok.
"Ma'am my partner po kasing heels yang dress, iaabot ko lang po sana." Napatango naman ako sa sinabi niya kahit na alam kung hindi niya yon makikita at bago ko tuluyang buksan yong pinto ng fitting room, muli kung sinulyapan yong sarili ko at hindi ko talaga maiwasang hindi mapangiti sa nakikita kung ayus ng sarili ko.
"Salamat." Sabi ko sa sales associate at saka ko inabot yong heels na sinasabi niya. Sa tingin ko ay six inch heels 'to at kualy baby pink din, meron dalawang strap na nababalutan ng maliit na diamante at sa dulo naman ay maekis na strap pero walang kahit na anong design, agad namang akong naupo para masuot yong heels.
"Hoy, bess! Ipakita mo naman sakin ayus mo!" Maya-maya ay katok naman sakin ni Ciffer. Mukhang hindi na din nakatiis ang bruha at mashado nang nacurious sa itsura ko. Napangiti nalang ako at saka napailing-iling at dahan-dahang binuksan yong pinto ng fitting room at saka lumabas.
Pero lumips na ang ilang minuto ay wala pa din akong nakukuhang kahit na anong panglalait mula sa kanya. Oh anong nangyari sa babaeng 'to? Nang salubungin ko naman yong tingin niya, nakatitig lang pala sakin medyo nakaawang pa nga yong bibig niya eh. Kaya naman nilapitan ko siya at ako pa mismo yong nagclose ng bibig niya.
"Hoy! 'Nangyari sayo?" Tanong ko pa sa kanya. Mukha namang don lang siya natauhan kasi umiling-iling muna siya bago siya nagreact.
"Angeline?" Tanong pa niya sakin. Nakagat ko naman yong pang-ibabang labi ko para pigilan yong pagtawa ko. Mukhang hindi pa siya makapaniwalang ako nga 'tong nasa harapan niya.
Grabe! Din 'tong babaeng 'to eh! Wagas din kung makapanglait. So, ngayong naayusan ako ng bonggang-bongga, ngayon lang din ako nagmukhang tao sa paningin niya? Kaya naman hinampas ko yong kanang braso niya at mukhang don lang siya natauhan.
"Grabe ka sakin ha!"
"Anak ng tokwa! Eh, mas maganda ka pa sa mga runways model ko eh!" Komento pa niya, napailing-iling naang tuloy ako. "Kung alam ko lang na kapag naayusan ka eh maganda ka, sana pala noon pa kita kinuhang model! Don't worry next time kukunin na kita! Haha!" Sinaman ko naman siya ng tingin. Kaibigan ko ba talaga 'to? Wagas talaga kung makapanglait eh!
"Pero seryoso bess! Ang ganda-ganda mo! Sure na sure na talaga ako makukuha mo yong atensyon ni Trigger!" At saka niya ngumiti sakin. Napalunok naman ako sa klase ng ngiti niya sakin, mukhang evil smile eh!
"Since ready ka naman na, halika na!" At saka niya ako hinila ng dire-diretso palabas ng boutique at papunta sa parking lot. Bigla namang bumilis ang t***k ng puso ko ng bonggang-bongga! Hindi ko alam kung excited na ba akong makita si Trigger o kinakabahan kasi magkikita na naman kami... ulit.
xx