Kabanata 20 "Ma'am san tayo?" Tanong sakin ni Mang Beng pagpasok na pagpasok ko palang sa loob ng sasakyan. Gusto kung makita si Mama. Kaya naman nirequest ko sa kanyang ihatid ako sa hospital kung san naka-confine si Mama. Hindi din naman nagtagal nakarating na kami sa hospital, sinabi ko kay Mang Ben na huwag na akong antayin at saka ako nagdiretso sa hospital suite ni Mama. "Nicole, anak." Ngumiti naman sakin si Mama habang papalapit ako sa kanya at saka ko siya hinalikan sa noo at tumabi ng upo sa hospital bed niya. Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng makita kung bumabalik na sa normal yong kulay ng balat ni Mama, hindi na siya ganun kapulat. Hindi tulad noon na pwede na siyang pumasang bampira sa La Luna Sangre. Hindi na din siya ganun kapayat medyo nagkakalaman-laman na siya.