Kabanata 14 Hindi naman kami kagabi natuloy nakaalis ni Trigger dahil nga 'masakit pa kunwari yong puson' ko pero ang totoo gusto ko lang umalis na siya sa kwarto ko para feel na feel ko naman yong kilig moments ko ng dahil sa kanya! Aba! Sino ba namang masungit na lalaki ang gustong magmukhang baliw sa harapan ng isang babae – at take note hindi pa niya girlfriend – dahil sa pagka-usap niya sa stomach. Ngayong umaga pa nga ay si Miss Amara yong gumising sakin at pinababa na niya ako para sabay daw kaming magbreakfast ni Trigger habang siya naman ay inutusan daw ni Trigger na ipagempake ako ng damit para sa bakasyon namin. "We'll go home before the week ends because I have something important to attend." Sabi sakin ni Trigger kahabang inaatay namin yong Chopper na sasakyan namin dito sa