Kabanata 45 "Mrs. Steinfield, I'm sorry for your lost." Unang sinabi sakin ni Doctora Conception matapos ang ilang araw kung pag-stay dito sa hospital. Hindi ako nagsalita. Wala akong gustong sabihin, ni-ayaw ko nga sanang mapakinggan 'to kaso gusto kung malaman. Kung bakit. Alam ko namang siya lang makakasagot ng tanong ko. "Let's get straight to the point." Malamig na sagot ko naman sakanya. Nakita ko yong lungkot sa mga mata niya. Kung paano siya nakikisimpatsya sa naging kawalan ko. Pero hindi ko nga kailangan niya, mabuti sana kung maibabalik niya ang anak ko... na buhay. Baka gawin ko pa siyang bestfriend. Napabuntong hininga nalang si Doctora Conception at saka siya my kinuhang files sa my drawer niya at saka niya 'to binasa sandali, at saka niya ako muling binalingan ng tingin.