Kabanata 12 "Anak ang tahimik mo na naman." Sabi sakin ni Nanay at saka niya hinawakan yong kamay kung nakapatong sa mga hita ko. Bumaling naman ako ng tingin sa kanya at saka sinubukang ngumiti pero nauwi lang sa ngiwi. "Sorry Nay, stress lang sa trabaho." Sagot ko naman sa kanya at saka ako bumuntong hininga dahil sa kasinungalinggan ko. Isang buwan na kasing nnadito si Nanay sa hospital at walang araw na hindi niya ako kinulit sa hospital bill niya at nagpipilit sakin'g ilabas na siya pero hindi ako pumayag. Hindi pa din kasi ganun kaganda yong lagay niya pero mas maganda na ngayon kasi nakakapaglakad-lakad na siya, nakakalabas ng kwarto niya at nakapag-paaraw. Hindi tulad nung first two weeks niya dito, nasa loob lang talaga siya ng kwarto niya. Sinabi ko din sa kanyang nagtratraba