Kabanata 7 Lumipas lang din ang ilang minuto dumating na si Mang Jim at nagdiretso kami sa Steinfield Corporation, sinundo kami ni Miss Amara sa parking lot at nagdire-diretso sa isang private lift. Paano ko nalaman na private? Paano kasi ay dalawa yong magkatabing elevator at don sa my right side sumakay yong apat na lalaking nandito din sa parking lot tapos ay dito naman kami ni Miss Amara sa left at saka niya pinindot yong thirtieth floor. Kung gaano naman kabilis yong viahe namin papuntang office ni baby Trigger, ganun din kabilis ang pag-alis namin ng office niya. Muli kaming bumalik ng parking lot at nagdire-diretso papunta sa pinakadulong bahagi ng basement. Lumapit naman si baby Trigger sa isang sports car na kulay matt black. Hindi ko naman maiwasang hindi mabilib, ang ganda-ga